Press "Enter" to skip to content

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling

Nag trending ngayon ang isang post ng netizen kung saan inirereklamo niya ang isang food panda rider matapos siyang harap-harapang bastusin at murahin. Ayon naman sa Rider, una siyang minura at pinagsalitaan ng masama ng customer kaya siya hindi nakapigil at pinatulan niya ito.

Nangyaring insidente

Sa ibinahaging post ni Ace Hacket Mercado sa kaniyang facebook accounyt, isinalaysay niya kung paano siya binastos ng Food Panda Rider. Ayon pa sa kaniya, hindi niya inaasahan na ganun ang magiging reaksyon ng rider kaya naman laking gulat at lubos siyang nadismaya sa inasal ng rider. Ito ay matapos siyang mag antay ng ilang minuto sa hallway ng kaniyang tinitirahan na gusali.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 2

Sa kaniyang post, inamin ni Mercado ang dahilan kung bakit siya na-late ng ilang minuto sa pagbaba para salubungin kaagad ang rider. Ngunit hindi umano nakinig ang rider at walang pagpigil na binastos siya nito.

Ani niya,

“This happened today after I ordered food from foodpanda. The rider called me at 10:49, told him okay bababa na ako saglit lang because I have my kid with me, I was at the lobby by 10:59, was about 10 minutes late, my bad.”

Dagdag pa niya,

“I was late and missed his succeeding calls because (1) I had to attend to my baby who’s crying (2) I had to wait for the elevator that works at a limited capacity. When I was downstairs, the rider was gone so I called him.”

Pambabastos at pag babanta

Ikinwento din ni Mercado na bagama’t sinabihan na niya ang Rider na pababa na siya at kung bakit siya na late ay wala pakialam ang Rider bagkos ay nag simula na itong magalit sa telepono ng tinawagan niya.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 3

Ani ni Mercado,

“He started ranting on the phone blaming me for being 10 minutes late. So rant lang siya ng rant, I got pissed and asked him anong oras siya makakabalik dahil I have my baby with me, told him to just deliver my order because I already paid for it.”

Na sinang-ayunan rin daw ng Rider kaya ito bumalik sa gusali kung saan nag hihintay si Mercado. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, bago pa maka-alis ang Rider ay tinawag nitong ‘g@g0’ si Mercado.

Kwento ni Mercado,

“Bumalik naman siya but when he’s about to leave I heard him say ‘so okay na tayo sir… gago!”

Salaysay pa ni Mercado, hindi na niya pinalagpas kaya sinagot na niya ang rider habang hawak-hawak niya ang anak papasok ng gusali.

Ani niya,

“Ay nagpanting ang tenga ko so I replied back and cursed him too. Went back inside the building with my baby not knowing na sumunod pala si rider sa loob and threatened me and nagsisigaw na sa loob. Nagpigil ako because I had my baby with me, then the guards came (yes they came late parang sa pelikula)”

Dagdag pa ni Mercado na kahit nakaalis na ang Rider ay patuloy pa rin ito sa pag papadala ng masasamang salita sa kaniya sa text messages.

Sabi pa niya,

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 4

“The threats didn’t stop there, he kept on sending me messages, called me ‘panot’ for countless times which is totoo naman so okay.”

Ang ikinagulat pa niya, bukod sa pagbabanta ay nag sabi ang rider na meron siyang nilagay sa inorder na pagkain ni Mercado.

Sambit nito,

“But he threatened me na wag daw akong bababa and that he had put something on the food that I ordered.”

Pag report

Sa sobrang inis at takot ni Mercado sa ginawang pag babanta sa kaniya at inireport niya ang Rider sa Food Panda.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 5

Ani niya,

“So nireport ko sa foodpanda, via email, chat and fb. I asked for the rider’s name because ipa-blotter ko sana but as expected I only got the usual PR response from them.”

Katwiran ng Rider

Matapos nga na mag viral at dahil na rin sa pag report ng customer sa Rider na si Israel Larin, nasuspinde ito sa trabaho. Kaya naman hindi na rin ito nakapag pigil ang rider ng food panda dahil sa maling akusasyon sa kaniya ng kaniyang naging costumer.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 6

Nag bigay din ito ng pahayag at kaniyang sinabi na nagsisinungaling ang costumer at siya ang unang minura nito kaya naman sinagot niya din ito ng mura.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 7

Ani ng Rider,

“Alamin nyo muna. Wag puro husga, ngayon na suspendidio ako. Masaya ka na?! Alamin mo sa sarili mo kung bakit kita ginanyan. Minura mo ako ng personal kaya sino ba naman ang hindi magagalit sa sinabi mo.”

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 8

Dagdag pa ng Rider,

“Ikaw una nag mura sakin, ikaw una nag angas sakin. Tawag ako ng tawag, di ka sumasagot. 30min ako nag antay sa baba. Ikaw na nga late lumabas, ikaw pa nag mumura at galit sakin.

Food Panda Rider Na Nireklamo, Bumwelta Sa Customer Na Sinungaling 9

Di mo ako pinapakain kaya wag ka mag mura. Wag ka kumuha ng simpatya sa mga tao. Aminin mo kasalanan mo. Minura kita sa text dahil sa pag mumura mo sakin.”

Source: Ace Hackett Mercado

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: