Press "Enter" to skip to content

Format Ng Meralco Bill Babaguhin, Bakit Kaya?

Ayon sa Manila Electric Company (Meralco), maglalabas sila ng bagong electric bill format sa susunod na Linngo. Ito ay matapos na putaktehin sila ng reklamo sa social media dahil sa umano’y sobrang pagsipa sa konsumo sa gitna ng lockdown.

Ang bagong format

Ayon sa Meralco, ilalagay nila sa bagong bill ang “current bill” o aktuwal na konsumo sa kasalukuyang buwan at “amortization” o ‘yong konsumo noong Marso at Abril na hinati sa apat.

Format Ng Meralco Bill Babaguhin, Bakit Kaya? 2
Pinas Balita

“Kunwari ang kaniyang current account is P3,000 tapos ‘yung amortization is P500. The P500 is already the amount divided by 4 of any prior unpaid bills,” paliwanag ni Larry Fernandez, head ng Meralco Utility Economics.

Paghimay

Panukala ng grupong Laban Konsyumer, himayin na lang ang singil sa kada kostumer. Upang naliwanagan ang mga tao kung gaano at magkano talaga ang na konsumo nilang kuryente sa mga nagdaang buwan.

Format Ng Meralco Bill Babaguhin, Bakit Kaya? 3
Pinas Balita

“Nakalagay din dapat sa resibo kung magkano ang 4 equal installments for the bills during the quarantine period,” -Atty. Victorio Mario A. Dimagiba

Dapat libre

Pero kung tatanungin si Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dapat ilibre na lang ng Meralco ang isang buwan na konsumo. Ito ay dahil apektado ng COVID-19 pandemic ang mga residente.

Format Ng Meralco Bill Babaguhin, Bakit Kaya? 4
Pinas Balita

“Hindi lang dapat lifeliners o yung pinakamababa ang kunsumo, lahat naman naghirap eh, hindi lang ‘yung pinakamahirap,” -Colmenares.

Pagsampa ng reklamo

Samantala, posibleng sampahan ng reklamo ng Meralco ang nag-upload sa social media ng umano’y fake news. Na nagsasaad na inabot daw ng P1.7 milyon ang bill ng isang konsumer ng Meralco.

Format Ng Meralco Bill Babaguhin, Bakit Kaya? 5
Pinas Balita

Base kasi sa pag-iimbestiga ng Meralco, lumabas na corporate account pala ito ng mahigit 1,000 condo units.

“Gagawin din namin ito doon sa mga nagpapakalat ng disinformation laban sa aming kompanya,” – Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: