Press "Enter" to skip to content

Former Senator Heherson “Sonny” Alvarez, Pumanaw Na Dahil sa COVID-19

Last updated on April 24, 2020

Manila, Philippines — Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa pamilya ni former Senator Heherson “Sonny” Alvarez dahil sa kanyang pagpanaw nito lang Abril 20, 2020 dahil sa COVID-19 sa edad na 80.

Naranasan

Si Alvarez at ang kanyang asawang si Cecile Guidote-Alvarez, na  founder of Philippine Educational Theater Association (PETA) ay parehong kinapitan ng viral disease. Siya at ang kanyang asawa ay parehong na-intubate, kalaunan nga ay bumigay si Alvarez at ang kanyang asawa ay nakarecover na.

Former Senator Heherson "Sonny" Alvarez, Pumanaw Na Dahil sa COVID-19 2
Coconuts

Ang dating senador at kinatawan ng Isabela ay sumailalim sa isang eksperimentong tinatawag na “Plasma Theraphy” na ginagamit upang gamutin ang mga COVID-19 patients na lumalaban sa impeksyon, ayon sa kanyang anak na si Xilca Alvarez-Protacio.

Paglilingkod 

Si Alvarez ay two-term senator na nagsimulang maglingkod noong 1987 matapos mapatalsik ang dating pangulong Ferdinand Marcos. Habang nasa senado siya ang nagpasa ng batas ukol sa kapaligiran, kabilang ang Solid Waste Management Act at Clean Air Act. Nanguna sa batas para sa Enerhiya. Nagpunta sa Estados Unidos at binuo ang grupo ng oposisyon na “Ninoy Aquino Movement”.

Former Senator Heherson "Sonny" Alvarez, Pumanaw Na Dahil sa COVID-19 3
Coconuts

Naglingkod din bilang Secreraty of Department of Agrarian Reform noong 1986-1987. Isa rin sa mga Cabinet Secretary ni Pres. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Environment Secretary (2001-2002), Presidential Adviser ng Overseas Filipino communities (2003), Agrarian Reform (2005-2007), at sa Global Warming and Climate Change (2009-2010).

Naging Chairman and Chief Executive Officer of the Philippine Mining Development Corporation (2008) at Climate Change Commissioner noong (2010-2011).

Mensahe

“I’m deeply saddened by the death of one of the original environmentalist advocates of the Philippine Senate. The Senate has lost another pillar of its rich history.” mula kay senator Migz Zubiri.

Former Senator Heherson "Sonny" Alvarez, Pumanaw Na Dahil sa COVID-19 4
Wikipedia

At mula naman kay Senator  Sherwin “Win” Gatchalian na hindi daw makakalimutan kailanman ang naging kontribusyon ni Alvarez sa bansa. Marami ang nalungkot sa pagpanaw ng dating senador at umani ng ibat-ibang reaksyon mula sa publiko.

Isa na namang buhay ang nawala dahil sa COVID-19. Kailan kaya matatapos ang pagkuha ng buhay ng virus na ito?Nawa’y matapos na ang pananalanta ng pandemic di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.

Source:CNN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: