Press "Enter" to skip to content

Free WiFi Program Para Sa 2021 Na May ₱ 7.7-B Na Budget, Pinaplano Na!

Naglaan ng ₱7.7B na proposed budget ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa susunod na taon upang maisagawa ang pinaplano na Free Wifi Program.

Ang plano

Isinawalat ni DICT Secretary Gringo Honasan II noong Biyernes (Hulyo 17) ang budget na maaaring mailaan para sa plano na pagkakaroon ng free wifi sa mga pampublikong lugar at para sa pambansang unibersidad at mga kolehiyo.

Sa kasalukuyan, makikita na marami nang mga lugar sa loob at labas ng Metro Manila ang mayroong Free Public WiFi. Ilan sa mga ito ay ang lungsod ng Maynila na kung saan sinamahan rin ng free charging. May Free WiFi rin ang ilang pang mga lungsod, ito ay nasa mga parke, pampublikong health centers, ilang mga pambansang unibersidad, pampublikong aklatan at mga transport terminals.

Free WiFi Program Para Sa 2021 Na May ₱ 7.7-B Na Budget, Pinaplano Na! 2
Photo Credit: Philstar

Ang inilaang budget ay gagamitin upang mas marami ang mga lugar na may WiFi, nais nila magkaroon ng 23,100 live sites sa pagtatapos ng 2021. Ayon kay Honasan, sa ngayon ay mayroong 4,248 live sites noong Hunyo 30 at 400 nito ay nakalagay sa mga pampublikong ospital at rural health centes.

Mga lugar na magkakaroon

Ayon kay Honasan, pinaplano na nila na magkaroon ng mas maraming live sites sa mga pampublikong paaralan, state universities at colleges(SUCs) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Tinataya na 10,300 sites sa mga pampublikong paaralan at 1,804 sites sa mga kolehiyo at TESDA.

Free WiFi Program Para Sa 2021 Na May ₱ 7.7-B Na Budget, Pinaplano Na! 3
Photo Credit: CNN Philippines

“This is part of our commitment to DepEd, CHED and TESDA to ensure the education sector’s access to broadcast, connectivity and digital security this upcoming school year while the country is still under state of public health emergency,” said Honasan in a statement.

(“Ito ay parte ng aming pangako sa DepEd, CHED, at TESDA para masiguro na makakagamit sila ng internet at makakakonekta para sa susunod na taon ng pasukan, habang ang bansa ay may kinahaharap pang pandemya,” pahayag ni Honasan)

Dagdag pa niya, na ang pasukan ng lahat ng antas ay magsisimula na ngayong Agosto sa pamamagitan ng isang tinatawag na ” flexible learning”, at napapabilang dito ang digital at non-digital technology kung saan gagamitin sa pag-aaral ang mga modyuls, telebisyon, radyo, at internet.

Iba pang lugar

Paliwanag ni Honasan, ito ay pinaplano nila upang mabigyan ang mga pampublikong paaralan at mga kolehiyo ng libreng internet upang matulungan ang mga estudyante at mga guro na makipagsabayan sa tinatawag na “new normal”

Free WiFi Program Para Sa 2021 Na May ₱ 7.7-B Na Budget, Pinaplano Na! 4
Photo Credit: CNN Philippines

Maliban sa mga pang-edukasyon na mga institusyon na malalagyan sa susunod na taon, napapabilang din sa 23,100 na site ang iba pang mga lugar. Ayon sa DICT, 5, 644 ang malalagyan sa mga national at local na opisina ng gobyerno, 3, 300 sa mga pampublikong ospital at rural health centers, 1, 505 sa mga parke, at iba pang pampublikong lugar, 368 naman sa mga pampublikong paaralan, at 179 sa mga transport terminals.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: