Press "Enter" to skip to content

From 2 To 120,000 Subscribers In A Day, Thank You Post Ng Batang Babae Nag Viral

Manila, Philippines – Lubos na nagpasalamat ang batang si Mary Grace matapos na mag-viral ang kwento at kumalat ang mga larawan habang kaniyang ipinagdiwang ang pagkakaroon ng dalawang subscribers sa YouTube.

Hindi inaasahan

Hindi lubos maisip ng batang si Mary Grace Escober na ang kaniyang dalawang subscribers sa YouTube ay naging libo-libong subscribers na ngayon. Ito ay matapos na mag viral ang kaniyang larawan habang I pinag diriwang ang 2 subscriber niya sa YouTube.

From 2 To 120,000 Subscribers In A Day, Thank You Post Ng Batang Babae Nag Viral 2

Ayon kay Mary Grace, ang tanging hiling niya lang naman ay maipakita sa publiko ang kaniyang simpleng videos ngunit kaniyang hindi inaasahan ang magkaroon ng maraming subscribers.

YouTube account

Ayon sa ate ni Mary Grace na tumutulong sa kanya sa paggawa ng social media page, nagpapasalamat ang 9-anyos na bata sa suportang nakukuha ng kaniyang kapatid.

From 2 To 120,000 Subscribers In A Day, Thank You Post Ng Batang Babae Nag Viral 3

Simula kasi na mag viral ito ay agad-agad na dumami ang followers nito at nagpa abot ng pagka hanga sa kaniyang busilak na hangarin na mapasaya ang publiko sa kaniyang natatanging video. Dahil dito, dumami ang sumuporta sa kanya at nasa mahigit 100,000 na ang subscribers niya.

Pekeng accounts

Matapos nga itong naging patok sa social media ay hindi naman pinalagpas ng mga opportunist a ang naturang kaganapan. Marami ang nag bigay ng malisyusong hangarin at gumawa ng pekeng accounts sa YouTube maging sa Facebook upang makakuha ng libo-libong supporters.

Kaya naman nangangamba ang mga tunay na humanga kay Mary Grace na sana’y itigil na ng mga tao ang pag gamit ng pangalan ng bata upang manlinlang ng kapwa.

Samantala, lubos na nagpapasalamat naman si Mary Grace sa kaniyang subscribers sa YouTube.

Aniya,

“Maraming maraming salamat po sa nag subscribe sa YouTube ko at sa nag share ng post ko. Ang message ko naman sa fans ko, maraming maraming salamat sa support nyo sakin. Maraming salamat din sa pamilya ko, thank you.”

From 2 To 120,000 Subscribers In A Day, Thank You Post Ng Batang Babae Nag Viral 4

Sa ngayon ay mahigit 200,000 na ang reactions nito sa FB. Kasabay nito, dumami na rin ang nag-subscribe sa kanyang YouTube na umaabot na sa mahigit 100,000.

Mary Grace Escober, nagpasalamat sa kanyang subscribers

Nagpasalamat ang 9-anyos na si Mary Grace Escober sa lahat ng mga nag-subscribe sa kanyang YouTube.Nag-viral ang kwento ni Mary Grace nang ipinagdiwang niya ang pagkakaroon ng dalawang subscribers sa YouTube. Dahil dito, dumami ang sumuporta sa kanya at nasa mahigit 100,000 na ang subscribers niya. For more latest stories, visit us at www.news5.com.ph

Posted by News5 on Monday, October 12, 2020

Happy 2 subsciberSubscribe to my channel https://m.youtube.com/channel/UCPKPlPJjnvYLbXU32NThAvAthank you so much…

Posted by Mary Grace Escober on Sunday, October 11, 2020

Source: Mary Grace Escober

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: