Press "Enter" to skip to content

From Father To Atty! Dalawang Pari, Pumasa Sa Bar Exam!

Manila, Philippines – Sa kalalabas lamang na resulta ng Bar Exam nitong nakaraang araw, kinumpirma ng simbahang katoliko na dalawang pari ang pumasa sa Bar Exam.

Pagpupuri

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) kinundina nila na ang mga paring nakapasa ay sina Salerian Father Abundio bacatan na nakatalaga sa Don Bosco Dumaggas sa Iloilo at si Father Victor De Guzman ng Diocese ng San Fernando de La Union.

From Father To Atty! Dalawang Pari, Pumasa Sa Bar Exam! 2
Photo credits: CBCP News

Si Father Bacatan ay magiging Filipino Salesian Civil Lawyer samantalang si Father De Guzman naman ay kasalukuyang wala munang parish assignment matapos itong nag sumite ng study-leave para sa kaniyang paghahanda sa nakaraang Bar Exam.

Atty na, Pare pa!

Kakatalaga lamang ni Father Bacatan sa Don Bosco bilang isang school administrator sa Don Bosco Technical College sa Labangon, Cebu City.

Matatandaan noong nakaraang tao ay may dalawang pari din ang pumasa sa 2017 Bar Exam. Kinilala itong sina Father Efren Bugayong ng Imus Diocese at si Father Romeo Dawaton ng Apostolic Vicariate ng Tabuk.

From Father To Atty! Dalawang Pari, Pumasa Sa Bar Exam! 3
Photo credits: MSN

Magugunita na ang kalalabas lamang na 2019 Bar Exam Results ay may 2,013 na law graduates ang pumasa. Pinangunahan ito ni Mae Diane Azores na graduate ng University og Sto Thomas sa Rawis Legaspi City.

Taunang tradisyon na isang malaking screen s labas ng Supreme Court sa Maynila ipinapakita ang resulta ng eksaminasyon ngunit dahil sa pandemyang dulot ng Covid19 ay online ipinabatid ang nasabing resulta.

Source: CBCP News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: