Press "Enter" to skip to content

From Leon To Maamong Tupa Real Quick! Kulong Ang Ate Na Nanigaw At Nanampal Sa Tanod Na Nanita Sakanya

Isang babaeng nakasakay sa motor ang nanampal sa isang tanod matapos siya nitong sitahin dahil walang facemask. Kitang kita sa video kung paano bumaba ang babae at sigaw sigawan ang tanod na nanita sakanya.

Mainit Na Ulong Leon

Sa video na kuha ng kasamahan ng tanod, kita na naninigaw na ang babae bago pa ito makalagpas. Paglagpas ay tila hindi niya nagustuhan ang pagsita sakanya kaya bumaba ito ng motor at nilapitan ang tanod.

From Leon To Maamong Tupa Real Quick! Kulong Ang Ate Na Nanigaw At Nanampal Sa Tanod Na Nanita Sakanya 2

Harap-harapan sa mukha nitong pinagsisigawan ang tanod na wag daw nito siyang babastusin. Di pa nakuntento ay sinampal niya ang tanod bago ito dali-daling sumakay ng motor at umandar papalayo.

Inulit ulit nito na nambabastos ang tanod, pero may isa pang lalaki na nagbanggit na wala siyang facemask na hindi rin nakatakas sa pandinig ni ate.

Di Makabasag Pinggang Maamong Tupa

Sa susunod na kuha ng video, animo’y maamong tupa si ate kaharap ang pulis na humuhuli sakanya. Pinaliwanag ng pulis na may violation siya at huhulihin siya.

From Leon To Maamong Tupa Real Quick! Kulong Ang Ate Na Nanigaw At Nanampal Sa Tanod Na Nanita Sakanya 3

Nagrarason pa umano ang babae, ang sabi pa ay dumadaan lang naman daw siya dun. Pero nang ihatid na siya sa mobile, wala na din itong nagawa kundi sumunod.

From Leon To Maamong Tupa Real Quick! Kulong Ang Ate Na Nanigaw At Nanampal Sa Tanod Na Nanita Sakanya 4

Himas rehas ka ngayon

Sa isa pang video na kuha naman sa presinto, maririnig pa na nagrarason si ate na nakilalang si Renalyn Tan. Kaya naman ipinaliwanag na uli ng pulis na dahil sa pananampal niya sa harap ng maraming tao kaya ito hinuhuli.

Wala na nagawa ang babae kundi sumunod nalang at himasis ang rehas.

Walang pakialam

Kabilang umano ang babae sa mga walang pakialam na tao na patuloy parin lumalabas ng bahay nang walang facemask sa kabila ng quaratine. Sana lang ay hindi magkadisgrasya at magkaroon sila ng virus dahil sa pagsigaw sigaw nito pulgada lang ang layo sa mukha ng tanod.

Sa mga frontliners tulad ng tanod na ito, saludo po kami sainyo. Nawa’y wala na kayo makaengkwentrong katulad ni ate sa pagduty niyo.

Ang tapang masyado ni ate🤬👊

Isang motorista Sinita dahil wla facemask ngunit sinampal nya ang tanod na sumita sakanya🤬#ctto

Posted by Papa Pogi on Monday, April 27, 2020

Source: Papa Pogi

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: