Press "Enter" to skip to content

Frontliner Na Susundo Sa Mga OFW Sa Airport, Patay Sa Aksidente Sa Batangas

Isang frontliner ang binawain ng buhay dahil sa aksidente sa kalsada habang papunta sa airport para sana sunduin ang mga OFW na nakatakdang umuwi sa kanilang probinsiya.

Aksidente sa STAR Tollway

Kinilala ang biktima bilang si Cenen Epetito, isang frontline worker mula sa Philippine Coast Guard o PCG. Ayon sa report, papunta si Epetito kasama ang anim pa niyang kasamahan sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA upang sana ay tulungan na makauwi ang mga ito sa kanilang probinsya.

Frontliner Na Susundo Sa Mga OFW Sa Airport, Patay Sa Aksidente Sa Batangas 2

Ayon sa inilabas na pahayag ng PCG nitong Miyerkules, sakay sila ng isang van ngunit biglang pumutok ang isang gulong nito sa kahabaan ng STAR Tollway sa bayan ng Ibaan sa Batangas. Nangyari ang aksidente nitong Martes, Mayo 26.

Kalagayan ng mga biktima

Agad naman naisugod sa Batangas Healthcare Specialists Medical Center ang mga biktima. Isa sa mga ito ay masusing binabantayan dahil nagkaroon ito ng minor hematoma. Maliban kay Epetito na pumanaw at sa isang nasa ICU, lahat ng kasali sa aksidente ay may malay na. Subalit dumadaan pa rin ang mga ito sa pagsusuri at ilang laboratory test upang masigurong ligtas na sila sa kapahamakan na dulot ng aksidente.

Nangako naman ang pamunuan ng PCG na tutulungan ang pamilyang naulila ni Epetito. Lahat ng karampatang tulong na nararapat para sa pamilya ay aayusin ng nasabing ahensya. Gayundin, ang ibang nasa ospital na miyembro ng PCG ay makakatanggap din ng tulong mula sa nasabing ahensya.

Layunin ng PCG

Ang PCG ay isang parte ng sub-task group na namamahala sa 14-day mandatory quarantine ng mga OFW na bumalik sa bansa mula sa bansang kanilang pinagtatrabahuhan.

Sila yung mga nawalan ng trabaho bunsod ng krisis na bunga ng COVID-19. Bilang isa sa mga inisyatibo ng gobyerno para sa mga OFW, inatasan ang nasabing ahensya na siguruhing makakauwi ng ligtas ang mga bagong bayani.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: