Press "Enter" to skip to content

Gadgets Na Ipamimigay Ng Mga LGUs Sa Mga Paaralan Kailangan Sumunod Sa Standards Ng DepEd

Pinaalalahanan ng Department of Interior and Local Government ang mga Local Government Units (LGUs) na planong mamahagi ng mga gadgets para sa mga pampublikong paaralan na dapat silang sumunod sa mga minimum technical specfications na itinakda ng Department of Education.

Ang paalala ng DILG

Pahayag ng tagapagsalita ng DILG na si Undersecretary Jonathan Malaya nitong Huwebes,

“We all want to help our schools, especially our teachers and learners cope with, and adjust to the new normal in education brought about by the pandemic but we don’t want these expensive gadgets to go to waste,”

Gadgets Na Ipamimigay Ng Mga LGUs Sa Mga Paaralan Kailangan Sumunod Sa Standards Ng DepEd 2
Photo Credit: Manila Bulletin

Pinaalalahanan nila ang mga LGU sapagkat maiigi nilang tinitiyak ang kalidad ng kagamitan ng mga mag-aaral.

Aniya,

“We must be sure that they will be utilized. Hence, we encourage our LGUs who are planning to donate ICT equipment to be guided by the technical specs given by DepEd when they make their donation

Gadgets Na Ipamimigay Ng Mga LGUs Sa Mga Paaralan Kailangan Sumunod Sa Standards Ng DepEd 3
Photo Credit: CNN Philippines

Sinabi ni Malaya na ang LGU ay maaaring magbigay ng mga ICT gadgets sa mga paaralan sa pamamagitan ng isang Deed of Donation o ng commodatum, isang nakasulat na kasunduan mula sa Schools Division Office (SDO) o sa mga pampublikong paaralan.

Paliwanag niya,

“This is for purposes of proper recording and accountability,”

Ang minimum technical specifications

Nagpalabas ng Memorandum circular si DILG Secretary Eduardo Año sa lahat ng mga local executives, na nagpapaalala sa kanila tungkol sa minimum technical specifications ng DepEd. Pinayuhan din niya ang mga lokal na opisyal na hindi na kailangang mag-install ng Microsoft Office dahil DepEd na ang mag-aasikaso nito.

Gadgets Na Ipamimigay Ng Mga LGUs Sa Mga Paaralan Kailangan Sumunod Sa Standards Ng DepEd 4
Photo Credit: Unsplash

Ayon sa DILG, ang mga sumusunod ay ang sinasabing minimum technical specifications.

Para sa mga laptop:

  • Processor with 1.6Ghz Based Speed, with Turbo Speed;
  • Screen size of 13 inches, Resolution: 1920 x 1080 (Full HD)
  • 1080p Anti-Glare LED-Backlit or IPS Techn010U
  • Memory of 8 QB RAM
  • Storage of 512 GB HDD SATA
  • Connectivity of Wireless LAN 802.11 b/ g /n/ac Bluetooth.

Para sa mga tablet:

  • Quad-core 1.3 GHz processor
  • Display size of 8 inches
  • Display resolution of 800 x 1280 Pixels
  • Storage of 32 GB
  • 4G LTE (Optional, Preferred) Wi-Fi 802.11 b/g/n Bluetooth network

Para sa mga smartphone:

  • Octa-core 2.0 GHz processor
  • Display size of 6 inches
  • Display type of IPS LCD Display
  • Display resolution of 720 x 1520 Pixels
  • Storage of 32 GB
  • Network of GSM / HSPA / LTE Wi-Fi 802.11 b/g/n Bluetooth Dual SIM.

Saludo para sa mga Mayor

Pinasalamatan ng DILG ang Alñan City Mayor Arman Dimaguila, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Manila City Mayor Isko Moreno, at Pasig City Mayor Vico Sotto para sa paglalaan ng pondo para sa pagbibigay ng mga gadget sa mga pampublikong paaralan at guro na naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na matuto at ang mga guro na magtrabaho mula sa kani-kanilang tahanan sa panahon ng pandemya.

Gadgets Na Ipamimigay Ng Mga LGUs Sa Mga Paaralan Kailangan Sumunod Sa Standards Ng DepEd 5
Photo Credit: Official Gazette

Pasasalamat ni Malaya,

“Saludo po ang DILG sa mga LGUs na nakaprograma nang mag-donate ng mga laptops, tablets at smartphones at nagpapamalas ng kanilang pagmamalasakit sa mga eskuwelahan, estudyante at mga guro. Your donation will go a long way in ensuring the success of the government’s distance education initiatives.”

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: