Press "Enter" to skip to content

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19

Manila Philippines – 15 na ang kabuuhang bilang ng mg aaprubadong testing centers sa bansa para sa new coronavirus (COVID-19) ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr,. ang chief implementer ng National Action Plan para sa Covid-19.

Bagong pasilidad

Kabilang sa mga bagong nadagdag na pasilidad na aprubado ng Department of Health (DOH) ay ang St. Lukes Medical Center ng Quezon City, V.Luna Hospital, The Medical City, Makati Medical Center at ang Molecular Diagnostics Laboratory.

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 2
Source: GMA Network

Sa kanyang televised briefing, sinabi ni Galvez,

“Ang mga pasilidad na ito ay makatutulong upang mapabilis at mapalawak ang ating kakayahan na makapag test at makapag identify ng Covid-19 na mga pasyente upang sila ay mabigyan ng karapatang medical treatment.”

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 3
Source: Manila Bulletin

Kanyang inisa-isang idinetalye ang mga sumusunod na pasilidad:

  • Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
  • San Lazaro Hospital
  • UP National Institute of Health
  • Lung Center of the Philippines
  • Baguio General Hospital
  • Medical Center Baguio
  • Western Visayas Medical Center
  • Vicente Sotto Memorial Medical Center
  • Southern Philippines Medical Center
  • Bicol Public Health Laboratory
  • St Lukes Medical Center – Global/Quezon City
  • The Medical City – Pasig
  • Molecular Diagnostics Laboratory
  • Makati Medical Center
  • V.Luna Hospital

Dagdag pasilidad sa mga susunod na araw

Nitong mga nakalipas na araw, sinabi sa unang pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong 28 institusyon ang sumasailalim sa proseso ng laboratory certification ng DOH. Habang 37 naman ang nagpa hayag ng interest sa nasabing akreditasyon.

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 4
Source: Rappler

Samantala, sinabi naman ni Galvez na mayroon 2,673 total na bilang ng quarantine facilities para sa mga suspected at probable cases ng Covid-19 sa bansa. Itong mga nasabing pasilidad ay mayroong 165,756 na kabuuhang bilang ng bed capacities.

Bagong sistema ng klasipikasyon para Covid-19

Base sa bagong nilabas na sistema ng klasipikasyon ng DOH para sa Covid-19, ang mga may simtomas pero hindi pa nasusuri ay mananatling “suspect” samantalang ang mga nag hihintay naman ng resulta ng pag susuri ay tatawagin paring “probable” na kaso.

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 5
Source: GMA Network

Sa pahayag pa ni Galvez, kasalukuyang mayrong 645 na probable na kaso ng Covid-19 samantalang 900 naman ang suspected cases na nilalapatan ng lunas sa nasabing pasilidad.

Handa ng buksan

Samantala, 6 na mass quarantine facility naman kasama ang Ninoy Aquino Stadium sa Manila ang mag sisimula na ng operasyon ngayong semana. Ang nasabing pasilidad ay may 2,000 bed capacities.

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 6
Source: Rappler

Sa mga susunod pang linggo, 9 na mass quarantine testing center naman ang susunod na bubuksan. Samantala, 4 na additional na COVID-19 referral Hospitals ang panibagong tatanggap ng pasyente. Ang nasabing hospital ay mayrong 830 bed capacities.

Sa kasalukuyan

Ang Pilipinas ay may 4,932 na kompirmading kaso ng Covid-19.

Galvez: Pilipinas, Mayroon Ng 15 Testing Centers Para Sa Covid-19 7
Source: Manila Times

284 naman ang bagong kaso at 242 naman ang naka rekober na sa nakamamatay na sakit. Sa kabuuang total, mayroon ng 315 na mga pasyente ang naiulat na namatay.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: