Press "Enter" to skip to content

“May Karapatan Uminom Ang Kababaihan” Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity

Kinontra ni idol Raffy ang mga nagsasabi na kasalan ng biktima kung bakit siya ginahasa. Ito ay matapos makatanggap ng mga paninisi na komento ang babaeng ginahasa ng isang varsity team sa Cebu.

Gang r4pe sa Cebu

Ani idol Raffy, may karapatan ang mga kababaihan na sumama sa pinagkakatiwalaang kaibigan. May karapatan din silang uminom tulad ng kalalakihan. Ang hindi tama ay ang pananamantala umano ng mga suspek sa biktima. Kahit balot na balot ang isang babae ay manggagahasa pa rin umano ang mga ito dahil manyakis ang mga ito.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 2

Matatandaan na todo iyak ang isang dalaga habang nagsusumbong sa programa ni idol Raffy dahil sa ginawang pang hahalay umano sa kanya ng isang varsity team sa Cebu. Ang masama pa, pinagyabang pa umano ng mga suspek ang ginawa sa kanya sa social media.

Itinago ni idol Raffy sa pangalan na alyas “Elsa” ang biktima ng gang r4pe. Nangyari ang insidente noong Hunyo 30 ng kasalukuyang taon sa Mandaue Cebu. Ayon sa biktima, ang pasimuno pa ng panghahalay ay ang kaibigan niya na lubos niyang pinagkatiwalaan.

Sa kwento ni Elsa, galing siya sa kanyang trabaho ng mag chat ang tinuring niyang kaibigan na si Marc Hendrich Suson. Niyaya siya nito sa isang inuman kasama ang ibang kasamahan nito sa kanilang basketball team. Sinabi umano ni Elsa na magsasama siya ng ibang babaeng kaibigan ngunit kinumbinsi siya ni Mark na solo na lang siya magpunta.

Mapaglinlang na kaibigan

Dahil kaibigan ang turing niya kay Mark at siniguro rin nito ang kanyang kaligtasan ay pumayag si Elsa na mag-isang pumunta.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 3

Nalasing si Elsa sa kanilang inuman at nakatulog na kung kaya hindi na niya nalaman pa ang mga sumunod na nangyari.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 4

Wala umanong kaalam-alam si Elsa sa kababuyan na ginawa sa kanya ng mga kainuman.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 5

Mayo 17 na umano ng malaman niya ang ginawa ng mga ito kung kaya hindi siya agad nakapagsumbong sa mg awtoridad.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 6

Kabilang sa mga kasabwat at kasama sa panghahalay ay sina Arch Seno, Brian Valera, Neil Sarabello, at isang nagngangalang Tom.

"May Karapatan Uminom Ang Kababaihan" Idol Raffy, Kinondena Ang Victim Blaming Sunod Sa Rape Complaint Laban Sa Mga Varsity 7

Pagyayabang sa social media

Sa kwento ng isang kaibigan, nalaman ni Elsa na pinagyayabang umano ni Mark sa mga kwentuhan sa social media ang ginawang panghahalay sa kanya. Galit na galit sa Elsa dahil hindi niya sukat akalain na magagawa sa kanya iyon ng kanyang kaibigan.

Humingi ng tulong si idol Raffy sa Mandaue PNP sa pamamagitan ni Liutenant Lilibeth Archie ng Women and Children’s Desk. Pinasusundo na ni idol Raffy si Elsa sa mga awtoridad upang pormal ng makapagsampa ng kaso laban sa mga suspek.

Kailangan umanong maturuan ng leksyon ang mga ito upang hindi na makaulit pa. Paninindigan ni idol Raffy, wala sa kasuotan ng isang babae kung gagasahain siya o hindi. Sadyang may mga lalaki umano na walang kaluluwa ang gumagawa ng ganito.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: