Press "Enter" to skip to content

Gasoline Boy Na Di Makabayad Ng Renta Dahil Sa Delay Na Sahod, Pwersahang Pinalayas Ng Landlady

Nanghihingi ng tulong ang isang netizen matapos na pwersahang ilabas ang gamit sa bahay ng kanyang bayaw dahil sa renta. Ayon kay Rosana Basco, ang kanyang bayaw na si Genwill Balontong ay nakatira sa Dalig 1, Antipolo City.

Pwersahan

Pwersahan na pinasok ng landlady na si Minda Dinela ang tenant nito na si Balontong dahil sa delay na pagbabayad ng renta. Nangyari ang insidente noong Aug 14. Kahit pa man umuulan ay pilit na inilabas ng landlady ang gamit ni Balontong. Si Balontong ay isang gasoline boy at naka-stay in sa trabaho dulot ng lockdown.

Gasoline Boy Na Di Makabayad Ng Renta Dahil Sa Delay Na Sahod, Pwersahang Pinalayas Ng Landlady 2

Pagmamalupit

Kasama ng landlady na pwersahang inilabas ang mga gamit ng kaawa-awang gasoline boy ay ang manugang nito na nagngangalang Eds at mga pamangkin ng huli. Matapos ay ikinandado ng mga ito ang apartment unit.

Gasoline Boy Na Di Makabayad Ng Renta Dahil Sa Delay Na Sahod, Pwersahang Pinalayas Ng Landlady 3

Pahayag pa ni Basco,

“may mga mahahalagang gamit din po jan nabasa napo ng ulan. ang package po na pinag hirapan ng byanan ko na nasa dubai ay nabasa na din po ng ulan”

Hangad ni Rosana na matulungan sila na mapanagot ang matandang mayari na walang habas at awa na inilabas ang lahat ng kagamitan ng kanyang bayaw dahil lamang sa renta.

Lockdown

Hindi naman makapaglakad ang pamilya nito para magreklamo o makapunta sa Antipolo dahil sila man din ay naka-lockdown sa Quezon City.

“sana po matulungan nyo po kame na mapanagot ang matandang may ari sa ginawa nyang pag pasok at pakikielam sa mga gamit ng byanan ko , di rin po kame makapunta sa bahay (antipolo city) dahil lockdown din po kame dito sa quezon city.”

Report

Tulong tulong naman ang mga netizen sa pagtag ng Raffy Tulfo in Action sa comments ng post ni Rosana. Hangad nila ay matulungan ang naagrabyadong pamilya kahit pa man wala itong kakayahan na makapaglakad ng reklamo sa kinauukulan. Sa kabilang banda, laking panghihinayang naman ni Rosana sa mga package na kasamang nailagay sa labas ng bahay ni Balontong at nabasa pa ng ulan. Aniya ay pinaghirapan nito ang mga gamit at syang naipundar mula sa abroad.

Source: Facebook/Rosana Basco

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: