Press "Enter" to skip to content

Gatchalian, Hiniling Sa DOE Na Tiyakin Ang Sapat Na Kuryente Para Sa Distance Learning

Hiniling ni Senador Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na tiyakin sana ang patuloy na paghahatid ng mga serbisyo ng kuryente sa bawat sambahayan para sa mga mag-aaral na magamit ang mga alternatibong modalidad sa pagkatuto habang ang mga paaralan ay naghahanda para sa “new normal” ukol sa sistema ng edukasyon.

Magandang serbisyo ng kuryente

Pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate energy committee, na bukod sa pag-aaral sa online, ang pinaplanong blended learning ay hindi naman kinakailangang mangailangan ng koneksyon sa internet o sariling mga gadget upang ma-access ang mga modules at iba pang learning materials.

Gatchalian, Hiniling Sa DOE Na Tiyakin Ang Sapat Na Kuryente Para Sa Distance Learning 2
Source: Manila Bulletin

Sinabi niya na ito ang dahilan kung bakit niya iminumungkahi sa DOE ang patuloy na paghahatid ng magandang serbisyo ng elektrisidad dahil mas malawak ngayon ang naabot ng telebisyon at radio o broadcast media.

Samantala, ipinahayag ni Gatchalian na ang plano ng pamahalaan para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ay hindi magiging matagumpay kung maraming mga sambahayan ang walang access sa kuryente.

Unserved at Underserved areas

Ang data mula sa DOE noong 2019 ay nagpapakita na mayroong 1,885,507 na kabahayan na hindi pa nakakonekta sa power grid o 7.71 porsyento ng kabuuang kabahayan sa bansa.

Gatchalian, Hiniling Sa DOE Na Tiyakin Ang Sapat Na Kuryente Para Sa Distance Learning 3
Source: Business World

Ang karamihan sa mga ito ay nasa Mindanao na may bilang na 1,187,769, Luzon na mayroong bilang na 364,409, habang ang Kabisayaan naman ang natitirang porsyento nito.

Nangako ang DOE sa mga nakalipas na araw ng 100 porsyento na electrification para sa bansa nitong taong 2020. Inilaan nito ang ₱ 500 milyon ng 2020 budget mula sa ₱ 2.3 bilyon sa Total Electrification Program (TEP).

DOE, tiyakin ang iminumungkahing plano

Sabi ni Gatchalian,

“Many underprivileged students living in remote areas (that) have no electricity and they will be left behind in their studies by more socially advantaged students as well as those from private schools. The DOE should make true on its commitment of 100% electrification within the year,”

Nakabuo ng mga plano ang DOE kung paano maibibigay ng ahensya ang maaasahang serbisyo ng kuryente sa mga unserved at underserved areas sa bansa.

Gatchalian, Hiniling Sa DOE Na Tiyakin Ang Sapat Na Kuryente Para Sa Distance Learning 4
Source: PNA.GOV

Inirerekomenda ni Gatchalian ang paggamit ng bagong teknolohiya, tulad ng mga sistema ng microgrid, upang magbigay ng maaasahang mga serbisyo ng kuryente sa bawat sambahayan sa bansa at mapabilis ang kabuuang electrification sa mga lugar na walang walang kakayahang makaccess sa kuryente o walang koneksyon sa anumang microgrid.

Sabi pa ni Gatchalian,

“Pagkatapos ng aming hearing ukol sa total electrification, ang DOE ay nag-isyu ng isang circular para sa paggamit ng microgrids upang tugunan ang kawalan ng kuryente sa remote areas. Kailangan talaga nating gumamit ng makabagong teknolohiya upang maabot natin ang lahat ng estudyante at households na nasa bundok at mga isla”

Gatchalian, Hiniling Sa DOE Na Tiyakin Ang Sapat Na Kuryente Para Sa Distance Learning 5
Source: MSN

Paliwanag niya,

“Admittedly, it is challenging to reach the households and students in the last mile. We will now use new technology to reach them. The technology is there but we don’t have sufficient funds. We are now looking for ways to fund this new technology so that we can provide electricity to every student and household.”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: