Press "Enter" to skip to content

Gawang Pinoy: Improvised Faceshield Ng Isang Magtataho, Kinabiliban Ng Mga Netizen!

Kinagiliwan ng maraming netizens ang isang magtataho na gumawa ng kanyang sariling face shield gamit ang plastic container. Ang larawan ay pinost ng isang netizen dahil sa pagkahanga nito sa magtatahong kahit pa sa liit ng kanyang kinikita, di naging alintana ang kanyang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng gobyerno.

Ang ‘larawan’ ng pagsunod

“My heart aches, longing for compassion but is joyous at the same time the moment I saw this man earlier. He, without even saying a word, has a message to tell everyone – to follow protocols the authorities are implementing and to be innovative despite the adversity.”

Gawang Pinoy: Improvised Faceshield Ng Isang Magtataho, Kinabiliban Ng Mga Netizen! 2
Photo Credit: Facebook- Angelo Perez Buenavista

Ito ang caption ni Angelo Perez Buenavista nang kanyang ipost ang larawan ng isang magtatahong may pa “DIY” o sariling likha ng face shield gamit ang plastic container na may rubber sa magkabilang dulo upang ito ay kanyang maisuot.

Ang magtataho na nasa larawan ay si Tatay Tata Guanzon, ito ay sinabi ng isa pang netizen na nakakita sa kanya ng personalan.

Magsilbing inspirasyon

Sabi ni tatay, hindi hadlang sa kanya ang kakapusan sa buhay para hindi sumunod sa mga panuntunang ibinababa ng gobyerno ngayong may pandemya, at isa na nga rito ay ang pagsusuot ng face shield.

Gawang Pinoy: Improvised Faceshield Ng Isang Magtataho, Kinabiliban Ng Mga Netizen! 3
Photo Credit: Facebook- Angelo Perez Buenavista

Alam naman ni tatay na kung hindi siya susunod sa mga health protocol, tulad ng pag-suot ng faceshield kapag nasa pampublikong lugar, maari siyang huliin ng mga pulis. Baka dahil aniya dito, hindi na siya muling makapaglako ng kanyang tinitindang taho at hindi na matustusan ang kanyang pamilya.    

“He knew that if he wouldn’t follow the new rule – wearing face shield when in public, the police might stop him from selling “taho,” and worse, obstruct him from making a living for his family. He is irrefutably an inspiration.”

Ika ng netizens

“I salute you, Sir.”, “Sana matulungan siya.”“God bless you po tatay!”

Gawang Pinoy: Improvised Faceshield Ng Isang Magtataho, Kinabiliban Ng Mga Netizen! 4
Photo Credit: Facebook- Angelo Perez Buenavista

Ito ang sambit ng mga netizen na tila natunaw ang puso nang masilayan ang kanyang kahanga-hangang larawan. Ani ng ibang netizens, bigyan sana ng tulong mula sa gobyerno ang mga katulad ni tatay ngayong may pandemya.

Magsilbi sana itong inspirasyon sa mga Pilipino na kahit pa sa panahon ng kagipitan, mayroon at mayroon paring dahilan para magsumikap at ipagpatuloy ang buhay. Saludo po kami sa’yo Tatay Guanzon!

Source: Facebook- Angelo Perez Buenavista

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: