Press "Enter" to skip to content

Gcash Account Ng Kapitbahay Ng Batang Namatay Sa Hostage, Pineke Ng Mga Kawatan Online

Manila, Philippines – Nakahanap ng pagkakataon ang mga scammer online matapos mapeke at palitan ang orihinal na numero ng Gcash Account ng kapitbahay ng batang hinostage at namatay.

Panawagan

Ayon sa ginawang post ni Niel Edward, kaniyang ibinahagi ang pagka-dismaya matapos gawing negosyo ng mga kawatan ang pagkamatay ng kanilang ka-anak.

Gcash Account Ng Kapitbahay Ng Batang Namatay Sa Hostage, Pineke Ng Mga Kawatan Online 2

Ani nito,

“SA MGA TAONG MAHILIG MANLOKO NG KAPWA TAO, KARMA NLANG PO BAHALA SA INYO, HINDI PO MABUTING GAWAIN YAN. KAMI PO AY NAGMAMALASAKIT SA AMING KAPITBAHAY DAHIL ALAM PO NAMEN KUNG ANUNG KLASENG PAMU2HAY MERON SILA.”

Nanawagan pa si Niel na sana naman daw ay wag gawing negosyo at oagkakaperahan ng mapag samantalang tao ang sitwasyon.

Babala sa publiko

Dahil sa pangyayari, nagbigay babala si Niel sa publiko para hindi na mabiktima ng nasabing Kawatan. Base kasi sa orihinal na post mula kay Danilo Macapili Selim, nanawagan ito sa publiko na kung maari ay tulungan ang kanilang kapitbahay na tubusin ang labi ng batang namatay sa Hostage.

Kaya naman, lubos ang pagka dismaya ng mga kapitbahay matapos mapag-alaman ay makita na may isang bersyon ng kaparehas na post ngunit ibang numero ng Gcash ang nakalagay.

Ani ni Niel,

“WAG PO KAYO MAGBI2GAY NG KAHIT ANUNG HALAGA SA MGA TAONG MAPANLINGLANG. SA NAGSA2BE PO NG SCAM DAW PO ANG PAGHINGI NAMEN NG TULONG THRU SOCIAL MEDIA.”

Pasasalamat at pruweba

Nagpasalamat din si Niel sa tulong na bumuhos sa kanilang kapitbahay.

Gcash Account Ng Kapitbahay Ng Batang Namatay Sa Hostage, Pineke Ng Mga Kawatan Online 3

Ani nito,

“SA LAHAT PO NG TUMULONG AT NAGPADALA THRU GCASH MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO AT NAPAKALAKING BAGAY PO NG NAITULONG NINYO SA PAMILYA NI Liezel Selim Mendoza at Danilo Macapili Selim. NAWAY PAG PAPALAIN PO KAYO NG PANGINOON MARAMING SALAMAT PO God Bless. REST IN PEACE, YURI.”

Gcash Account Ng Kapitbahay Ng Batang Namatay Sa Hostage, Pineke Ng Mga Kawatan Online 4

Para mapatunayan sa publiko na tunay ang impormasyon na ibinigay nila mula sa isang post mula kay Danilo Selim, Ipinakita ni John Carlo De Jesus ang kaniyang ID at Gcash Account na may kalakip na lamang 72,075.26 php mula sa mabuting puso na tumulong.

Samantala, kasunod ng batang namatay sa hostage ay binawian na din ng buhay ang suspect sa krimen. Habang ang ama ng bata ay kasalukuyan paring nasa ospital matapos mag tamo ng sugat sa katawan.

Source: Facebook/Neil Eduardo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: