Press "Enter" to skip to content

Ginang Na 5 Araw Naghintay Ng Byaheng Pauwi Sa Probinsya, Pumanaw Sa Footbridge Sa Pasay

Inabutan ng pagpanaw ang isang nanay matapos ang limang araw na paghihintay ng byahe ng bus pauwi ng Bicol. Nangyari ang insidente sa isang footbridge sa Pasay City.

Hindi inabot

Sa paghahangad na makauwi sa kanyang mga anak na nasa Camarines Sur, matiyagang naghintay ng byahe ng bus ang isang ginang pauwi sa kanilang probinsya. Ito ay sa pag-aakalang magkakaroon na ng byahe sa probinsya sa ilalim ng GCQ.

Ginang Na 5 Araw Naghintay Ng Byaheng Pauwi Sa Probinsya, Pumanaw Sa Footbridge Sa Pasay 2

Dahil walang mapuntahang lugar na matitirhan, minabuti nito na manatili sa footbridge sa Pasay. Nadiskubre na lamang na wala na itong malay at DOA nang dalhin sa ospital.

Biktima

Ang biktima ay kinilalang si Michelle Silvertino, 33-anyos. Si Silvertino ay mula sa Brgy Burabod, bayan ng Calabanga. Nasa Maynila ang ginang dahil naglalakad ito ng kanyang papeles para makapagtrabaho abroad. Ayon naman sa ulat ng Pasay City Police, madaling-araw noong Hunyo 5 nang may makakitang concern citizen sa ginang na tila may sakit at lagnat. Dagdag pa rito, hirap din umano ito sa paghinga. Nang isangguni ang kalagayan ni Silvertino sa Brgy 159, tumanggi diumano rumesponde ang barangay.

Nang mapag-alaman ng kapulisan ang sitwasyon, agad na pinuntahan ang walang malay na ginang sa pinakamalapit na ospital. Isinailalim sa swab test si Silvertino na kung saan ay nakalagay sa kanyang d34th certificate ay covid-19 probable.

Sakit sa baga

Sa imbestigasyon sa kaibigan ni Silvertino na kinilalang si Nathanael Alviso, matagal na diumano na may sakit ang ginang sa baga. Pahayag nito,

“By 5 a.m. ng Friday, unconscious na siya. Dinala siya sa Pasay City General Hospital and she was pronounced dead on arrival. The suspicion is baka daw COVID pero in my knowledge, alam kong may sakit siya sa baga kaya nga na-pending ‘yung process niya pagpa-abroad,”

Dagdag pa ni Alviso, taong 2019 pa naglalakad ng papeles si Silvertino upang makaalis papuntang Saudi Arabia at maglingkod bilang Domestic Helper. Ang mga kasabayan ng ginang ay nakaalis na habang ito ay naiwan dahil hindi ito nakapasa sa medical test. Napag-alaman na may tubig ito sa kanyang baga.

Gayunman, namasukan ito bilang kasambahay sa Antipolo upang may maipadala sa mga anak. Buwan ng Mayo nang magpaalam ito sa kanyang mga amo na nais nito makauwi ng probinsya. Isang araw bago mag-Jun 1 ay inihatid ito ng kanyang mga amo sa terminal ng bus sa Cubao sa pagaakala na may byahe na sa ilalim ng GCQ. Ngunit nang mapag-alaman na walang byahe, nilakad nito mula Cubao papuntang Pasay sa paghahangad na baka may byahe sa mga terminal sa Pasay.

Viral

Hindi naman pinaalam ni Silvertino sa kanyang pamilya ang tunay na kondisyon nito mula Mayo hanggang Hunyo 5. Nang magviral ang kanyang video sa social media, iniskedyul ito sa Balik-probinsya program ng gobyerno na kung saan ay kakailanganin pa nito sumailalim sa rapid testing na nakatakda sana noong Hunyo 6 ngunit hindi na inabot ng ginang.

Hiling ng mga anak

Bunsod nito ay inilibing kaagad sa isang sementeryo sa Pasay ang ginang. Naulila nito ang apat na anak na nasa probinsya. Hiling ng panganay na anak na maiuwi ang labi ng kanilang nanay.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: