Press "Enter" to skip to content

Global Experts, Duda Sa Pahayag Ni Kim Jong-Un Na Covid Free Ang NoKor

Buong mundo ang sabay sabay na humaharap sa banta ng COVID-19. Walang pinipili ang virus na ito at kumalat na nga sa maraming bansa, mahirap man o mayaman.

Zero covid case

Sa kabila ng pagtutulungan ng bawat bansa na mapuksa ang COVID, nagdeklara naman ang North Korea na wala itong kaso ng nasabing virus. Ayon sa North Korean Leader Kim Jong Un, wala silang kaso ng Covid na naitala sa kanilang bansa.

Global Experts, Duda Sa Pahayag Ni Kim Jong-Un Na Covid Free Ang NoKor 2

Ayon sa balitang inilabas ng The Diplomat,

“Officials of the Party and power organs and working people’s organisations and those in the fields of public health and anti-epidemic control across the country have boosted the hygienic information service about the worldwide spread of COVID-19 and preventive and treatment measures among the people, so that they should never feel relieved for having no COVID-19 case in the DPRK.”

Ipinaigting umano ang preventive, safety, at hygienic measures sa North Korea upang magbigay ng kapanatagan sa kanilang nasasakupan.

Nagsisinungaling

Ganunpaman, hindi naman kumbinsido ang ilang mga global experts. Isa na rito ay si Jung H. Pak, dating CIA analyst. Aniya ay nagsisinungaling umano si Kim Jong Un sa tunay na estado sa kanilang bansa upang manatili ang pagkakabukod nito mula sa ibang mga bansa. Sa interview nito sa Fox News, ibinahagi nito,

“It’s impossible for North Korea not to have a single case of coronavirus.”

Kaduda-duda

Nagdududa din ang commander of US Forces Korea na si General Robert Abrams sa estadong ito ng North Korea. Aniya ay may nabawasan ang military activity sa bansa na syang indikasyon na posibleng nagkaroon ng kaso ng covid rito at maaaring kumalat na.

Global Experts, Duda Sa Pahayag Ni Kim Jong-Un Na Covid Free Ang NoKor 3

Dagdag pa nito,

“What I do know is that their armed forces had been fundamentally in a lockdown for about 30 days and only recently have they started routine training again. As one example, they didn’t fly an airplane for 24 days.”

Ayon naman sa President of Korea Society na si Thomas Byrne,

“There’s no human rights or social freedom concerns, there’s probably no concern for people starving to death. They can really enforce social distancing.”

Thomas Byrne

Kakaibang pamamaraan

Matatandaang kumalat ang balita noon na may sariling paraan ang North Korea sa mga posibleng kaso ng covid sa kanilang bansa. Diumano ay tinatapos na agad ang buhay ng mga posibleng kaso ng corona virus na syang kinondena ng nakararami.

Source: LadBible

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: