Press "Enter" to skip to content

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo

Globe Telecom Sa Mga LGUs:Gawing Simple ang proseso sa pagkuha ng Cell Sites Permits, para bibilis na ang internet

Muling umapila ang Globe Telecom president, Ernest Cu, sa mga Local Government Units(LGUs), na bilisan ang pag approve ng mga permit applications para sa kanilang mga cell sites. More cell sites means improved service and better internet connectivity.

Pilipinas kulelat sa internet speed

Ngayong may krisis, halos lahat ay ginagawan ng paraan para maging online ang lahat ng transactions. Pero ang problema ay sumesentro sa mahina o kawalan ng internet. Bukod sa kawalan ng kakayahang magbayad nito, ay hindi lahat ng sulok ng bansa ay naabot ng internet.

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 2
Photo Credits: Seasia

Noong 2019, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamababang speed sa internet connection sa Southeast Asia. Nasa 6 mbps lang ang average speed ng bansa, malayo sa global average broadband internet speed na 11.03Mbps (megabits per second).

Hindi pwedeng bitayin

Sa pakipagmeeting ni Mr. Ernest Cu, ng Globe Telecom, ay personal niyang inireport sa pangulo na, sila mismo ay matagal nang gustong makipag sabayan sa mga bansang mabibilis ang internet connection, pero ang proseso ng mga Local Government Units (LGU) ang nagpapahirap sa kanila na gawin ito.

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 3
Photo Credits: Techbeat PH

Natatandaan na noong SONA, ay nagbanta ang pangulo sa mga telcos na ipapasara sila kung hindi aayusin ang kanilang serbisyo. At sinabing bibitayin niya si Mr. Cu sa tower mismo ng cell site kung hindi mag improve ang internet speed ng kompanya.

Pero bumuwelta si Mr. Cu, at sinabing, hindi magawa ng pangulo na bitayin siya dahil wala namang tower o cell site.

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 4
Photo Credits: Howtogeek

Sabi niya,

“You can’t do that because there is no tower. The local governments are fucking it up, saan mo ako bibitayin? We are suffering for many, many years for this, even sa past administrations, it takes up to eight months to build a tower on top of the “miscellaneous fees” being charged for each cell tower.”

LGU at NPA parehong nangungutong

Sa komento ni Sen. Lacson sa banta ng pangulo sa mga telcos sa kanyang SONA, ay sinabi ng senador na, dapat tingnan din ng pangulo ang angulo ng corruption sa mga LGU levels na humihingi ng pera sa mga telcos. Pati na rin ang mga extortion activities ng mga rebelde sa mga areas na nag operate ang mga teroristang NPA.

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 5
Photo Credits: Citizen Express

Sabi niya,

“But what the President failed to issue is a similar warning to some local government unit executives who extort money from the telcos in exchange for permits and licenses as well as ‘protection’ from delays in the construction of such facilities, especially in areas where the presence of armed groups like the CPP-NPA is strong.”

Revolutionary tax kapalit ng cell site

May mga naiulat na mga pagsunog ng mga cell sites ng Globe Telecom sa iba’t-ibang parte ng bansa, dahil sa pagtanggi nitong magbayad ng “revolutionary tax” sa mga NPA na humihingi sa kanila.

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 6
Photo Credits: wn news

Ayon sa pahayag ng Globe Telecome, sinusunog ng mga rebelde ang mga cell sites nila dahil, kailan man ay hindi nagpatinag ang kompanya at bumigay sa mga kahilingan ng mga terosistang NPA.

Sabi ni Yoly C. Crisanto, SVP Corporate Communications ng Globe Philippines,

“Globe has never engaged with, nor paid the CPP or its armed wing, the NPA, any amount in return for favors. It will never support an armed struggle that has claimed so many lives in the country. As a matter of fact, the strong resistance of the company against providing any form of monetary support has cost us dearly with many of our cellsites in the countryside being bombed or burned down. Aside from property damage, our Globe security personnel manning our cellsites have suffered trauma, physical injuries and, worse, loss of life. As a countermeasure, Globe coordinated closely with the Armed Forces of the Philippines and the Philippine National Police, which led to improved responses to these attacks.”

Globe Telecom Sa Mga LGUs: Internet Connection Ay Bibilis Kung Simplehan Ang Mga Proseso Ninyo 7
Photo Credits: AAcom

Kaya agarang tinahasan ng pangulo si, Interior Secretary Eduardo Ano at ibang Cabinet officials at sinabing “take the most drastic measure” para mapabilis ang proseso ng mga telco infrastructure permits.

Source: Bilyonaryo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: