Press "Enter" to skip to content

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa

Last updated on June 16, 2020

Halos ilan buwan din bago napigilan ng bansang New Zealand ang pagkalat ng sakit na coronavirus disease 2019 o covid-19. Sa tulong ng masusing pagpaplano ni Prime Minister Jacinda Ardern, at kooperasyon ng mamamayan ay matagumpayan nilang napigilan ang pagkalat ng sakit at maibalik ang normal na buhay ng mga New Zealander.

Prime Minister

Nitong nakaraang lunes June 8, 2020 nagdiwang ang bansang New Zealand ng inanunsiyo ni Ardern na wala na may aktibong kaso ng covid-19 sa kanilang bansa. Ang New Zealand ay inulan ng papuri sa kanilang mabilis na aksyon para pigilan ang pagkalat ng nakakamatay na sakit.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 2
Photo Credit: Daily Mail

Inanunsiyo pa ni Ardem ang pagbabalik sa normal na buhay ng mga New Zealander nitong Martes ngunit patuloy pa rin magiging sarado ang mga borders ng bansa. Magsasagawa pa rin ng quarantine sa loob ng 2 linggo at 2 test sa mga residente na pabalik ng bansa.

We have no more new cases of Covid-19 and now we are moving to Alert Level 1 from Level 2 from today midnight, but New Zealand’s borders will remain closed.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 3
Photo Credit: The Straits Times

Ayon sa health ministry,

The ministry has been notified by Auckland Regional Public Health that its remaining case has been symptom-free for 48 hours and is regarded as recovered. The person has now been released from isolation and there is no one in New Zealand receiving hospital-level care for COVID-19.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 4
Photo Credit: Coast FM

Mula ng pumutok ang balita ng pagkalat ng sakit sa Wuhan, China nagsasagawa na ng pagpaplano ang gobyerno ng NZ upang mapigilan ang pagpasok nito sa kanilang bansa. Ito ay sa pamamagitan ng pagmonitor ng mga pasahero nanggaling ng China kasama na dito ang pagbuo ng grupong magbabantay ng sitwasyon ng covid-19.

Plano ng gobyerno

Isinunod naman ng NZ ang pagligtas sa mga mamamayan kung saan nagsagawa sila ng malawakang paglikas kasabay ng pagbabantay ng mga New Zealander sa mga mamayan o dayuhang papasok at palabas ng bansa kung saan nagkakaroon ng paghihiwalay upang masigurong wala sakit na dala ang mga ito.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 5
Photo Credit: GMA Public Affairs

Di lang sa labas ng bansa sila nagbabantay pati na rin sa loob ng kanilang bansa. Noong March 23 nagsagawa na sila ng partial restriction ngunit nang umabot ng 200 kaso ng covid-19 matapos ng 2 araw nagdeklara sila ng LOCKDOWN sa buong bansa.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 6
Photo Credit: GMA Public Affairs

Matapos ng lockdown ,isinagawa ng gobyerno ang malawakang test sa mga mamamayan upang matukoy kung sino ang apektado ng sakit at masimulan hanapin kung sino man ang mga nakahalubilo nito.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 7
Photo Credit: GMA Public Affairs

Pagbabalik sa normal na buhay

Pinatutupad at pinayuhan din ng gobyerno ang mga mamamayan nito na manatili sa bahay at magbigay distansiya ng mahigit na 6-7 na talampakan sa bawat isa at noong April 27, Wellington , pinayagan ang pagpapatuloy ng mga negosyo na may pag-iingat na sinusunod.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 8
Photo Credit: Daily Mail

Noong May 13, pinayagang magbukas ang mga paaralan/kolehiyo, coffee shop at restauants. Pinayagan na rin ang kasalan at lamay na may sinusunod na social distancing. Noong May 22 nakita ang isang active case at wala ng iba pang kaso naiulat ayon ito sa health ministry. At nitong Martes June 9, 2020 bumalik na sa alert level 1 kung saan puwede ng bumalik sa normal na buhay ang mga New Zealander.

Good News! Covid-19 Sa New Zealand, Tuluyan Ng Napuksa 9
Photo Credit: Voanews

Bilang paggunita natin sa Araw ng Kalayaan sana lang matutunan ng mga Pilipino maging disiplinado at sumunod sa mga pinatutupad ng pamahalaan na kung saan maari din ang bansang Pilipinas ay maging tunay na malaya sa banta ng covid19.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: