Press "Enter" to skip to content

Good News! Maramaming Bansa Na Ang Nagbukas Muli Para Sa Mga Seafarers

Dumarami na ang mga bansang nagluwag sa paghigpit ng mga seafarers o seamen na dadaan o baba sa kani-kanilang mga airports at daungan. Kaya naman magandang balita ito para sa mga Pinoy Seafarers ng bansa.

Dubai, isa sa mga crew change hub

Ang Dubai, ay isa sa mga main destination for crew change, ang dumagdag sa pagtugon sa panawagan na pansinin ang krisis ng crew change. Pagkatapos ng Joint Crew Change Summit, noong July 9, 2020, sa United Kingdom, ay nadagdagan ang mga bansang nangakong gagawa ng progresibong hakbang bilang sagot sa krisis sa o crew change.

Good News! Maramaming Bansa Na Ang Nagbukas Muli Para Sa Mga Seafarers 2
Photo Credits: Alarabiya English

Mahigpit na health protocols

Pero kahit nag bukas ang mga bansa, ay susunod pa rin sa mga health protocols at guidelines ang mga seafarers, maging ang agent nito, tuwing dadaan o papasok sa mga paliparan at daungan sa mga naturang bansa.

Halimbawa sa mga health guidelines na striktong sundin, ay sa Hongkong, na inisyu noong July 10, 2020. Nagsaad ito na;1.) dapat negative sa SARS-CoV-2 nucleic acid test na gagawin lamang ng ISO 15189-accredited laboratory sa loob ng 48 oras bago aalis sa lugar ng Hongkong, kung saan sila sasakay sa barko.

Good News! Maramaming Bansa Na Ang Nagbukas Muli Para Sa Mga Seafarers 3
Photo Credits: Maritime Executive

Pangalawa (2) ang seafarer ay mag present ng negative test result at quarantine letter galing sa shipping company pagdating sa Hongkong, 3.) Mag body temperature check, 2 beses sa isang araw, 4.) Papasok lang sa Hongkong kung nakadaong na ang barko na sasalihan. At bawal gumala.

Pilipinas naunang tumugon

Nauna nang nag bukas at tumugon ang Pilipinas sa krisis, at inilunsad ang Green Lane for Seafarers ng Department of Foriegn Affairs (DFA), noong July 2, 2020. Bilang pagkilala sa mga seamen bilang mga “frontliners” at pagsiguro sa kaligtasan nila, ma-Filipino man o foreigner, basta papasok o dadaan sa bansa, tuwing isagawa ang crew change. 

Good News! Maramaming Bansa Na Ang Nagbukas Muli Para Sa Mga Seafarers 4
Photo Credits: Seatrade

Goodnews ito sa mga Pinoy seamen! lalo na, may maraming stranded sa kanilang mga probinsya at hindi rin makapag trabaho muli sa barko dulot ng pag higpit ng mga international flights at airports sa buong mundo, dahil sa crisis ng COVID-19.

Paano kung walang crew change

Nasa mahigit 90% mga produkto ang dinadanala ng mga barko sa iba’t-ibang parte sa mundo. Kaya kung walang crew change at patuloy na magtratrabaho sa mataas na panahon ang mga seamen, ay nagdudulot ito ng sobrang pagkapagod at mental stress. Na siyang maaring sanhi ng aksidente sa barko.

Kaya, mahalaga ang pagpapalitan o crew change. Para makapag bakasyon muna ang mga pagod na at makapag trabaho at maka income muli yung mga hindi naka alis dahil sa mga lockdowns, paghigpit sa mga international travels at airports.

Good News! Maramaming Bansa Na Ang Nagbukas Muli Para Sa Mga Seafarers 5
Photo Credits: Mfame

ITF hindi pa rin masaya

Nasa mahigit 60 mga bansa na ang nag bukas para sa crew change. Pero hindi pa rin ito ikinasaya ng International Transport Workers’ Federation (ITF) dahil mahigit 300,00 pa ang stranded seamen sa barko na walang kapalitan. At nasa halos 300,00 din ang nawalan ng income at nasa kanilang mga lugar, dahil hindi rin maka alis sa bansa.

Pero kung ang ibang seafarers ay masaya dahil sa pag extend ng kanilang kontrata, at dagdag kita. Ang kapalit naman nito ay ang peligrosong dulot sa kaligtasan at mental well-being sa bawat isa sa kanila. At lalong ipinagbawal ito ng mga international standards sa mga maritime organizations.

Source: Seatrade Maritime

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: