Press "Enter" to skip to content

Good Vibes! Mga Beki Tumulong Sa Pag Rere-pack Ng Relief Goods Habang Naka Awra

Isang grupo ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, and Transgender (LGBT) community ang nag boluntaryong tumulong sa pagre-repack ng relief goods habang naka awra. Naganap ito sa isang relief goods operation sa Columbio, Sultan Kudarat.

Ang pag boluntaryo

Nag dala ng good vbes sa mga netizen ang pag boluntaryo ng isang grupo ng mga beki sa isang bayan sa Sultan Kudarat.. Ito ay upang tumulong sa pag-rerepack ng mga relief goods na ipamamahagi sa kanilang mga kababayan bilang ayuda ngayong panahon ng Corona Virus 2019 (Covid-19).


Sa kabila ng hirap ng pagbubuhat ng mabibigat na sako ng relief goods, hindi sila nagpakabog sa kanilang outfit. Ang mga naturang beki ay todo pa sa pag awra habang naka naka-dress at naka-heels pa. Ang iba naman ay naka-full costume pa.

Ang mga beki

Ayon sa isa sa mga volunteer na si Britney Sujede, napag katuwaan lamang nila ang pagsuot ng dress at costume. Ito ay upang mawala rin ang pagkabagot ng mga nagre-repack. At maging positibo ang lugar sa sabila ng dinaranas sa panahong ito.

“Hindi lang kami basta bakla lang, dahil kami ay may maiaambag din sa komunidad,” -Sujede.

Reaksyon ng mga netizen

Sikat sa Social Media ang grupong ito sa pag bobolutaryo sa mga relief goods operations. Karaniwan na sa kanila ang nag susuot ng mga bonggang mga outfit sa mga gawaing katulad nito.

Good Vibes! Mga Beki Tumulong Sa Pag Rere-pack Ng Relief Goods Habang Naka Awra 6
ABS-CBN News

Umani ng mga positbong komento at reaksyon galing sa mga netizen ang ginawang pampa goodvides ng mga beki.

“Eto ang mga balita na nkakagood vibes at mga gawain na dapat tularan ngayong panahon ng pandemya.God bless your hearts po”- Netizen

Bisitahin ang Pinasbalita.org para sa iba pang nagbabagang balita.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: