Press "Enter" to skip to content

Goodbye Social Distancing: Claim Stub Sa Brgy. Sa Antipolo Pinagkaguluhan

Last updated on April 1, 2020

Nagkagulo ang mga tao sa Brgy. Dela Paz sa Lungsod ng Antipolo na wala ng social distancing. Ito ay dahil sa pagkuha ng pinamimigay na Claim Stub ng relief goods para sa mga residente ng bararangay.

Ang Paraan Ng Pagmimigay

Ito ay nangyari ngayon lamang buwan kung kailan ipinatupad ang lock down at community quarantine sa kada lungsod ng Maynila.

Layunin ng namumuno ng barangay ang magbigay ng tulong para sa kanilang mga nasasakupan ngunit ang pamamaraan na ginawa ay labag sa ipinatupad na memorandum na social distancing.

Goodbye Social Distancing: Claim Stub Sa Brgy. Sa Antipolo Pinagkaguluhan 2

Ipinatupad ang memorandum upang makaiwas ang karamihan sa kumakalat na virus ngayon. Kabilang ang mga matatanda,buntis at mahihina ang resistensya. Ngunit dahil marami ang gustong makakakuha ng rasyon mula sa gobyerno ay hindi na inalintana ng mga residente ang batas na ito.

https://www.facebook.com/watch/?v=1573367072812021

Ang naturang video ay kuha ng isang concern citizen na si Josef Angelo Chan isang residente sa nasabing barangay at ibinahagi sa social media na umani ng iba’t-ibang mga negatibong komento mula sa mga netizen na nakapanood nito.

Distribution of relief goods.. Distribution of Virus.. Wow! Congrats Antipolo. Good Job!

Nagtalo Ang Mga Residente

Sa dami ng tao na dumalo upang makakuha ng stub ay halos mag talo pa ang mga residente. Ang karamihan ay walang suot na mask.

Goodbye Social Distancing: Claim Stub Sa Brgy. Sa Antipolo Pinagkaguluhan 3

Nagrereklamo pa ang ilan sa kanila na bakit hindi na lamang daw ipamigay ng mga namumuno ang mga relief goods na ito sa kada bahay ng kanilang barangay.

Panawagan Sa Pamunuan

Panawagan ng nakararami sa mga namumuno na “kung ang intensyon ay talagang makatulong, sana ay ipamigay na lamang ang mga ito sa mga bahay at sa maayos na pamamaraan”.

Goodbye Social Distancing: Claim Stub Sa Brgy. Sa Antipolo Pinagkaguluhan 4

Ito ay para sa kaligtasan ng mga residente ng bawat barangay na nasasakupan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: