Press "Enter" to skip to content

Gordon: Pagbangon Ng Ekonomiya Nakasalalay Sa 13% Ng Populasyon Na Dapat Ma-Test

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Richard Gordon na dapat ma-test ang mahigit 13% ng buong populasyon ng Metro Manila. Ito ay bilang susi sa pagbabangon ng ekonomiya habang nakikipaglaban sa pandemya ang buong mundo sa corona virus 2019 (COVID-19).

Pahayag ni Gordon

Sinabi ni Gordon sa inagurasyon ng pinakamalaking molecular laboratory ng Philippine Red Cross sa Port Area, Maynila na dapat masuri ang 1.7 milyon ng residente ng Metro Manila o 13% ng kabuuang populasyon nito.

Batay sa kaniyang pahayag, hindi lamang makababalik sa trabaho ang mga manggagawa, susulong din ang ekonomiya at maiiwasan pang kumalat ang virus sa labas ng metropolis.

Gordon: Pagbangon Ng Ekonomiya Nakasalalay Sa 13% Ng Populasyon Na Dapat Ma-Test 2
Photo Credit: PIA Gov

Ani niya,

“We can fix the problem if we really focus on testing the particular areas that need to be tested. Halimbawa sa Laguna, Batangas maraming pabrika diyan. You want them to start, so test them so they can go to work. Pag na-test mo na sila, they can go to work. Boracay, Siargao, etc, meron tayo diyan. Tatakbo ekonomiya natin.”

Tulong mula sa gobyerno

Ayon naman sa PRC Chairman,

“Walang pambili ‘yung tao dahil walang trabaho kaya kailangan bigyan mo ng pera, binigyan ng pera ng gobyerno. Pero hindi pwedeng habambuhay bibigyan ng gobyerno ng pera. Walang tatagal na gobyerno niyan. Ang sinasabi ko sa kanila, kung gusto niyong makapagtrabaho dapat kayo ay magpa-test. This is the epicenter, so if we finish it here mahihirapan ng lumipat sa ibang lugar.”

Gordon: Pagbangon Ng Ekonomiya Nakasalalay Sa 13% Ng Populasyon Na Dapat Ma-Test 3
Photo Credit: PIA Gov

Kamakailan, binuksan ng PRC sa dati nitong national headquarters, ang molecular laboratory na may 14 na RT -polymerase reaction chain machines at pitong automated ribonucleic acid extraction machines o Natch.

Dagdag pasilidad

Magkaroon ang PRC ng 34 RT-PCR machines kapag nabuksan ang laboratory nito sa Batangas at Laguna bukod sa kasalukuyang pasilidad sa Maynila, Mandaluyong , Subic at Clark na maaaring makapag-test ng 34,000 kada araw.

Gordon: Pagbangon Ng Ekonomiya Nakasalalay Sa 13% Ng Populasyon Na Dapat Ma-Test 4
Photo Credit: PIA Gov

Wika niya,

“Magkakaroon tayo ng 22,000 test capacity dito sa Manila pa lang. Dapat bumilis lahat ng tetestingin natin dahil sobra ang capacity. Pero ang pumapasok right now umaabot lang ng 2,000 to 3,000.”

Kaniya din sinabi na dapat lahat ng mayor, lahat ng mga taong gustong magpa-test, magpa-test dahil doon lang sila makakapagtrabaho ng maayos.

Gordon: Pagbangon Ng Ekonomiya Nakasalalay Sa 13% Ng Populasyon Na Dapat Ma-Test 5
Photo Credit: PIA Gov

Giit nito,

“If we have all these apparatus going in Subic, Clark, Batangas and Laguna, we can finish Manila in 50 days. Then we can quell the virus right away.”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: