Maraming netizens ang naglabas ng saloobin ukol sa pagkakansela ng order ng isang customer sa Grab at Angkas rider na si “Kuya Aldwin”.
Ang nangyari
Nitong Biyernes, nag order daw ang customer kay Kuya Aldwin ng mahigit kumulang 7000 pesos worth na groceries. Kaniyang matiyagang inisa-isang kunin ang bawat item sa lista at pumila ng kay haba-haba upang maibigay ang kinakailangan ng nasabing customer.

Ayon sa saksi na si Shiela Tibay, mula pang tanghali hanggang gabi na patuloy na naghintay si Kuya Aldwin upang maihatid ang nasabing mga pinamili. Ngunit sa kanyang dismaya, bigla nalang kinancel ng customer ang lahat ng orders nang walang pasabi.
Nakapaloob dito ay ang mga iba’t-ibang gamot, vitamins, deodorant, bulak, at napkin na hindi naman daw niya mapapakinabangan.
Ang resulta
Sinubukan ni Kuya Aldwin na ibalik nalang sa kanyang pinagbilhan ang mga groceries ngunit hindi siya pinahintulutan ng management nito. Halos luhaan siyang napaisip sa kanyang puhunan na hindi na maibabalik pa.

Ito’y para pa naman sa kanyang pamilya na pinagsisikapan niyang mabigyan ng maayos na pamumuhay kahit sa gitna ng lockdown. Ngunit dahil dito, hindi na siya makakapagpatuloy pa sa pagbabyahe.
Isang taong naghahanap-buhay ng marangal ang umuwing lugi na lugi dahil lang sa isang taong hindi man lang inisip ang resulta ng kanyang kapabayaan.
May pag-asa
“Marami pa rin ang mababait kesa manloloko,” ito ang pahayag ni Kuya Aldwin sa kanyang Facebook post. Nakakuha ng maraming atensyon sa social media ang kanyang kalunos-lunos na karanasan. Iba’t-ibang reaksyon ng galit sa customer at awa kay kuya ang umikot sa mga netizens na nabasa ang nangyari.

Mayroon ding mga nag udyok na tulungan si kuya at kung maari ay kasuhan ang walang konsensiyang customer. Dahil dito, marami ang nagpaabot ng tulong at nagbigay ng cash kay Kuya Aldwin.
Sa gitna ng pandemic na tulad nito, makikita ang tunay na laman ng puso ng bawa’t isa. Ang nangyari man kay Kuya Aldwin ay hindi kanais-nais, marami pa ring mga mababait na nagpasiyang tumulong sa kaniya sa abot ng kanilang makakaya. Mabuhay pa rin ang mga Pilipino!
Source: Facebook
Be First to Comment