Press "Enter" to skip to content

Grabe Sa Pananakit! Isang Bata Mistulang Punching Bag Dahil Sa Pananakit Ng Sariling Ina

Viral ngayon sa social media ang video kung saan isang ina ang sobra sobra ang pananakit na ginagawa sa kanyang sariling anak. Galit na galit ito at tila wala na sa sariling katinuan habang ginugulpi ang kanyang anak.

Mapanakit na ina

Nangyari ang insidente sa Barangay Dita sa Sta. Rosa Laguna. Ayon sa Facebook page na Mga Pahina etc. na siyang nag upload ng video, halos araw araw na umano kung saktan ng babae ang kanyang mga anak. Kung minsan, nagagawa pa umano nitong habulin ng kutsilyo ang sariling anak dahil sa sobrang galit.

Grabe Sa Pananakit! Isang Bata Mistulang Punching Bag Dahil Sa Pananakit Ng Sariling Ina 2

Makikita sa video na tila gigil na gigil ito sa kanyang anak. Hindi ito mapuknat sa pagsabunot at pangungurot sa bata. Maya maya pa ay napapatayo ang nakaupong bata dahil sa lakas ng pagkakahiklas sa kanya ng sariling ina.

Pang aabuso sa sariling anak

Palo, kurot, at sabunot ang walang tigil na ginagawa ng babae sa kanyang anak. Tahimik naman ang kawawang bata habang ito ay sinasaktan ng sariling ina. Wala itong magawa kundi impit na umiyak kahit tila sobrang sakit na ng nararamdaman dahil sa pananakit ng kanyang ina.

Grabe Sa Pananakit! Isang Bata Mistulang Punching Bag Dahil Sa Pananakit Ng Sariling Ina 3

Tila lalo naman ginaganahan ang babae sa tuwing naririnig ang iyak ng kanyang anak. Lalong lumalakas ang hampas at kurot nito. Ilan sandali pa ay kinagat na niya ang bata dahil sa panggigigil. Maririnig sa video na kaya nagagalit ang ina ay dahil sa may nasirang bagay ang kanyang anak.

Panawagan sa DSWD

Panawagan ng nag upload ng video, makarating sana sa Department of Social Welfare and Development o DSWD sa Laguna ang video na ito upang masagip ang bata. Hindi na umano tama ang maya’t mayang pananakit ng babae sa kanyang anak. Labag na umano ito sa karapatan pantao ng bata.

Tulad ng inaasahan, umani ng pambabatikos ang babae mula sa mga netizen. Anila, walang karapatang manakit ang babae kahit pa anak niya ito. Kung sakali man umano na nagkasala ang bata, ay dapat itong pagsabihan sa maayos na paraan. Ang pananakit ay hindi solusyon upang maturuan ng tama ang mga bata.

Share po natin para makarating sa DSWD Brgy.Dita sta. Rosa lagunaHalos araw araw nalang binubugbug ung bata , minsan hinahabol pa daw nang kutsilyo nang nanay , #dswdstarosalagunaSubrang sakit sa dibdib na may nakita akong bata na minaltrato nang sariling ina😭😭😭Ctto -chris tof

Posted by Mga Pahina etc. on Saturday, May 23, 2020

Source: Mga Pahina Etc.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: