Press "Enter" to skip to content

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat?

Sa pagpalit ng taon, kasabay nating sinalubong ang sunod-sunod na delubyong nangyari sa iba’t-bang panig ng mundo. Marami tuloy ang nagsasabi at naniniwala na ito’y senyales ng nalalapit na katapusan ng mundo.

Enero 2020

Enero palang ito na ang mga naganap

1. Sunog sa Australia

Dose-dosenang sunog ang nangyari sa South Whales Australia mula ng isang taon at mabilis na kumalat sa buong lupain.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 2

Halos labing limang milyong ektarya ang nasusunog sa lugar at di bababa sa dalawamput apat ang namatay kabilang na ang ibang bomber at ang hindi pa naghahanap na mga nawawala. Mahigit 100 bahay ang nawasak at Daang-daan ang nasira.

Source: Do Something

2. Lindol sa Puerto Rico

Isang 5.9 na lindol ang yumanig na nag dulot ng pagka balisa at takot sa mga residente doon. Ang lindol ay tumama sa halos walong milya sa timog ng Indio sa Carrebean Sea.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 3

Ayon na US Geological Survey (USGS) ang nangyaring lindol ay may lalim na 6.2milya. Sinabi naman ng gobernador na mahigit 110 milyon dollars ang pinsala ng dinulot ng lindol.

Source: USGS

3. Pag putok ng bulkan sa Mexico

Pumutok ang popocatepetel na bulkan sa Mexico na nag dulot ng malaking pag yanig sa lupa at pangamba sa mga residente doon. Isa ito sa pinaka aktibo na bulkan sa Mexico at nag buga ng napaka init na pava at abo na umabot ang taas sa dalawapung libong talampakan sa kahanginan.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 4

Ang bulkan ay matatagpuan sa mahigit apat napung milya ng timog silangan ng Mexico City. Wala namang nasugatan sa pag putok ng bulkan pero binalaan ng kanilang pamahalaan na umiwas ang mga residente sa lugar dahil sa aktibong iregularidad ng nasabing bulkan.

Ang naturang pag sabog ay nakuhanana ng opisina ng kanilang disaster center at makikita na ang pag buga ng bulkan ng mainit na lava. Sa kontinente ng hilagang amerika, ito ay pangalawang aktibong bulkan na pumutok din ng nakaraang taon, buwan ng Hulyo.

Source: BBC

4. Pag baha sa Indonesia

Ang bilang ng namatay dahil sa matinding pag baha sa loob maging sa paligid ng Jakarta Indonesia ay tumaas hanggat apat napu’t anim habang ang ibang bahagi ng bansa ay patuloy na nakakaranas ng pag buhos ng malakas ng pag ulan na nagsimula pa ng disperas ng bagong taon.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 5

Ang mga landslides at pag baha ay nag apekto sa higit tatlumpo’t-anim na libo sa Jakarta at sa kalapit na mga lalawigan ng West Java at Banten ayon sa Asean Coordinating Center For Humanitarian Assistance. Ito ang pinaka malala na pag baha na naranasan ng Indonesia mula noong 2013 kung kailan hindi bababa sa dalawangput-siyam na tao ang namatay dahil sa malakas na ragasa ng tubig ulan.

Source: TIME

5. Tensiyon sa pagitan ng Iran at Amerika

Noong ika tatlo ng Enero, si Major General Qassim Suleimani ay napatay sa isang depressed road strike sa airport ng Bagdad. Ang heneral ay tinuturing na isang terorista ng amerikano na sinasabing siya ang responsable sa pagkamatay ng daan-daang tropang amerikano at pina-plano ang napipintong pag atake.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 6

Dahil sa kaniyang pagkamatay, nagkaroon ng tension sa pagitan ng Iran at Amerika. Hindi natuloy at uminit pa ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa na ping uusapang pagmumulan ng ikatlong digmaang pandaigig.

Source: The New York Times

6. COVID-19

Noong ika labing isa ng Enero, nagulat ang marami matapos sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao sa Wuhan City China, kung saan sinasabing pinag mulan ng COVID-19. Ito ay lumalala at nag dulot ng pagkahawa ng mga karatig na ciudad, bayan at ngayon ang lahat na sulok ng mundo ay nakikipag lavan dito.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 7

Dahil sa nasabing virus na kumikil sa buhay ng hindi na mabilang na mga biktima, napilitan ang ibat-ibang bansa sa Asia na ipatupad ang lockdown.

Sa Pilipinas, may naitalang pag taas ng bilang ng biktima kaya naman ang naging solusyon ng Pangulo nitong isang araw lamang ay ibalik ang NCR sa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) na kung saan, inalmahan ng maraming mga residente sa apektadong area dahil sa biglang pag implementa ng nasabing lockdown. Dagdag pa rito ang pag putok ng panawagan ng mga frontliners, kung saan kanilang ibinahagi ang paghihirap na kanilang nararanasan na halos wala ng pahinga dahil sa dami ng pasyenteng naka-admit at inaasikaso.

Sa ngayon, ay may naitala ng na kaso ng mga namatay dahil sa COVID-19. Samantalang naman ang bilang ng mga bagong kaso at naman ang naka rekober na. Ayon din sa datos na mula sa opisyal update ng Department of Health (DOH), umabot na sa _ ang mga namatay sa bansa.

Saan mang panig ng mundo, walang pinipili ang dadapuan ng nakamamatay at nakakahawang sakit, ano man ang iyong istado mo sa buhay. Sa ngayon, patuloy pa rin na lumalaban ang sangkatauhan upang mabuhay sa tinatawag na ‘new normal’.

Source: Inquirer.Net

7. Pag nyebe sa Saudi Arabia – Enero 2020

Ang ibang mga bahagi ng Saudi Arabia ay natakpan ng nyebe lalo na sa mga hilagang kanluran ng mga rehiyon ng bansa. Ang temperatura ay bumaba sa zero degrees celcius sa ilang mga bahagi.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 8

Kasama ang opisina ng meteorology ng Saudi Arabia na hinihimok ang mga residente na iwasan ang pag punta sa mga liblib na lugar.

Source: AccuWeather

8. Baha sa Dubai

Isang malakas na pag ulan ang tumama sa United Arab Emirates at patuloy na naghahasik ng mga problema sa buong bansa, pag baha sa mga lunsod at pag hinto ng air transport system network.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 9
Photo Source: Gulf News

Ang masamang panahon na nakatakdang pagpatuloy ay humantong sa pagkaantala at pagkansela ng maraming flights na nakatakdang lumipad mula sa Dubai International Airport.

Source: Getaway

9. Pag putok ng Bulkang Taal

Dahil sa sunod-sunod na pag alboroto ng bulkang taal, may naitala ang Philvocs na 466 na sunod sunod na pag yanig ng lupa mula noong Enero 12. Nag dulot ito ng maraming destroso sa ibat-ibang parte ng Batangas at naging dahilan sa paglikas ng maraming residente sa loob at labas ng damger zone dahil sa tindi ng asupreng inilabas s bulkang taal.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 10
Photo Source: RMN Networks

Maraming mga namatay ang naiulat, kabilng na dito ang mga alagang hayop na naiwan sa paanan ng bulkan taal kung saan isa ito sa naging tourist attraction ng nasabing lugar. Dagdag pa dito ang mga pagkasawi ng ibang rescuers, frontliners at volunteers.

Matatandaan din na dahil sa malakas nanoag buhos ng ulan noong isang buwan lamang ay may naiulat na pagragasa ng tubig na may kasamang putik sa ibang parte ng Batangas. Wala naman naiulat na namatay sa nasabing insidente.

Source: CNN

Matapos ang unang buwan ng taon mayroon ding dala ang Pebrero

10. Sunog sa Buenget

Sumiklab ang sunog sa ekta-ektaryang bahagi ng bundok na sakop ng mga bayan ng Bokod at Atok, Benguet. Ayon sa BFP, nag-umpisa ang sunog madaling araw ng Lingo at naapula naman agad pero muli itong nagliyab na dahilan para sa malaking pinsalang nadulot sa dulong bahagi ng Benguet.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 11

Nagpapahirap sa mga bumbero ang matarik na lugar kung kaya’t hindi kaagad maapula ang apoy, na mabilis namang kumalat dahil tuyo ang paligid sanhi ng madalang na pag-ulan sa lugar, at malakas din ng ihip ng hangin. Nagdulot ito ng pagkabahala sa mga residente na naninirahan malapit sa sunog dahil sa posibleng pag gapang ng apoy at matulad sa Australia na kamalailan lamang na nagkaroon ng malawakang wildfire doon.

Source: Rappler

Eto naman ang sa Marso

11. Pagka patay ng libo-libong paniki sa Israel

Marami ang nagulantang at na bahala sa ngyaring pagkahulog at pagkapatay ng libo-libong paniki sa Gan Leumi Park sa Ramat Gan Israel. Namataan din ang Parehong insidente sa lugar ng Pardez Katz, Israel ilang milya lamang ang layo sa Ramat Gan.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 12
Photo Source: Daily Star

Ayon sa eksperto na si Nora Lifshitz ang founder ng Israeli Bat Society, ito ay isang ‘pambihirang pangyayari’. Kaniya din sinabi na maaring nangyari ito dahil sa biglang paglamig ng klema ngunit ito ay maari din naman na isang panibagong tiyorya.

Samantala, naglabas ng pahayag sa local media ang isang religious site at nag iwan ito ng isang explinasyon na himanho pa sa verse sa biblia at sinasabing malapit na ang pagka gunaw ng mundo.

Ayon sa naturang verse mula Zephania 1:3

‘I will sweep away man and beast; I will sweep away the birds of the sky and the fish of the sea. I will make the wicked stumble and I will destroy mankind from the face of the Earth.’

Noong unang panahon, sinasabi na ang paniki ay sinyales ng pagkamatay at pandaigdigan krisis sa pa kalusugan.

Source: Female First

Eto naman ang nangyari ng Mayo

12. Sunog sa UAE Abco Tower

Sumiklab ang malaking sunod sa isang residential tower sa Sharjah United Arab Emirates na nag iwan ng maraming mga debris na nahulog mula sa 48-storey Abbco Tower.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 13

Bagama’t walang mga Pinoy na naiulat na nasaktan, sugatan naman ang pitong katao matapos itong naipit sa ilang nakahandusay na debris at ma-trapped sa malaking sunog sa loob ng gusali.

Source: Inquirer.Net

Ilang araw pa lang ang Agosto

13. Pagsabog sa Beirut, Lebanon

Nagulantang ang marami sa ngyaring pag sabog kung saan pinaghihinalaan ng mga awtoridad na ito ay nag mula sa mga nakaimbak na pampasabog na ammonium nitrate sa isang bodega sa pantalan.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 14
Photo Source: ABC News

Samantala, may dalawang Pinoy ang kabilang sa mahigit 100 katao na nasawi sa malakas na pagsabog na yumanig sa Beirut sa Lebanon. Bukod sa mahigit 100 katao na nasawi, libu-libo rin ang nasaktan at nag-iwan ng malawak na pinsala ang naturang pagsabog na lumikha ng ma-tinding shockwave.

Ayon naman sa impormasyon mula sa Philippine Embassy sa Beirut, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Ed Meñez, na nasa bahay ng kanilang mga amo ang mga Pinoy na nasawi sa pagsabog. Inihayag naman ni Foreign Undersecretary Sarah Arriola, nag tatrabaho bilang mga kasambahay sa Beirut ang mga nasawi. Samantala, pinag hahanap pa rin ngayon ang mga nawawalang Pinoy seafarers na naka-daong lamang ang barko ilang metro lamang ang layo sa nangyaring pag sabog.

Source: Radyo Inquirer

14. Sunog sa UAE Ajman Market

Isang araw matapos ang ka gimbal-gimbal na pagsambok na yumanig sa Beirut Lebanon, sinundan naman ito ng dambuhalang sunog ngayong araw sa Ajman Market na 30 milya ang distansya sa Dubai.

#Grabe2020: Mga Delubyong Dinala Ng Walong Buwan. Ano Kaya Ang Dala Ng Nalalabing Apat? 15

Bagama’t wala naman nasaktan o naiulat na nasawi sa nangyaring sunog, tinatayang mahigit 80% ng Ajman Market ang nag collapse at na sunog.

Sa ngayon ay patuloy parin ang imbestigasyon ng awtoridad ang pinagmulan ng naturang sunog.

Source: Fox News

Sa dami ng trahedya at kalupitan ng panahon na nangyayari ngayon, naniniwala ang ilan na malapit na ang katapusan ng mundo. Naniniwala ka din ba dito?

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: