Press "Enter" to skip to content

#Grabe2020: Mga Kakaibang Hayop Sa Kakaibang Mga Pangyayari Ngayon Taon

Worst Year Ever! Ganito marahil ang sinasabi ng karamihan matapos makita ang mga trahedya, karahasan at krisis na naganap ngayong taon. Marami tuloy ang nag bigay ng spekulasyon kung ang lahat ng nangyaring ito ay senyales na nga ba ng nalalapit na pagka gunaw ng mundo.

Sa unang artikulo ng #Grabe2020, ating tinalakay ang mga naganap na trahedya at kalamidad sa iba’t-ibang parte ng daigdig na tumatak sa mga tao sa nakalipas na pitong buwan ngayong taon.

Ngayon naman ating isa-isahin ang mga kakaibang pangyayari kung saan pati mga hayop ay pawang nagbibigay ng hudyat at nag dulot ng pagka balisa sa mga ito.

Killer Whales – Bohol, Philippines

Kamakailan ay nag viral sa social media ang video kung saan namataan ang mga Orca o mas kilala sa tawag na killer whales sa karagatang sakop ng Bohol.

Ayon sa kwento ng uploader ng video, sinalaysay niya na habang namamangka siya kasama ang kanyang pamilya para mag-dolphin watching sa dagat sa bayan ng Garcia Hernandez, ay namataan nila sa hindi kalayuan ang grupo ng mga Orca.

Batay sa pag-aaral, migratory animals ang killer whales at kadalasang naninirahan lamang ito sa malalamig na klemang lugar kagaya ng Antarctica, Norway at Alaska. Sabi ng mga eksperto, maaaring napadpad lamang ito sa dagat ng bohol para makahanap ng makakain.

Video by : Jervz Galido

Wild Turkeys – Oakland California

Pumukaw ng atensyon sa social media matapos ibahagi ng isang netizen ang kaniyang nakita sa gitna ng Parke na pinag-aaralan ng kaniyang anak. Dahil sarado ang naturang eskwelahan matapos ipatupad ang lockdown, laking gulat na lamang nito na may isang wild turkey sa parke.

Ayon naman sa Urban Wildlife Institute at the Lincoln Zoo and Park Chicago, normal lamang daw ang ganitong pangyayari lalo na kung halos wala ng nakatirang tao sa paligid. Ngunit totoo nga kaya ito o sadyang mataas lamang ang pakiramdam ng hayop?

Wild Monkeys – Oslob Cebu, Philippines

Nito lamang linggo, ibinalita sa telebisyon ang mga namataang unggoy sa bayan ng Oslob. Matatandaan na kilala ang lugar na ito sa pamosong atraksyon kung saan makikita ang whale shark o butanding kung tawagin ng mga turistang pumupunta doon.

Ngunit linggid sa kaalaman ng marami, bukod sa butanding at may mga naninirahang unggoy sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar at kailanman ay hindi nakikita na bumaba ito sa mismong bayan.

Kaya naman nagulat ang ilang residente doon ng biglang lumabas at bumaba ang mga ito mula sa kabukiran. Bagama’t marami ang natuwa sa mga unggoy, may ilan ding nagsasabi na may kakaiba itong sinyales kaya ito’y bumaba mula sa bukid.

Source: GMA Network News

Sika Deer – Narra Japan

Matapos ang lockdown, namataan ang grupo ng mga usa na kasing itsura ng palabas na Bambi sa bayan ng Narra Japan. Ayon sa naturang larawan, makikita mo na ang mga ito ay tumatawid sa pedestrian lane at subways ng lugar.

May nagsasabi na maaring bumaba ang mga ito mula sa Narra Park dahil wala ng mga turista na dumadalaw sa tourist attractions at nag bibigay ng makakain sa mga ito. Ngunit ayon naman sa iba, ang kakaibang pagka balisa ng mga ito ay senyales na may kakaibang nangyayari sa kapaligiran na nag dudulot ng pagkabalisa ng mga usa.

Monkeys – Lopburi, Thailand

Ang kakaibang kaganapan sa mundo ay nagdulot ng pagkabalisa ng mga hayop kagaya na lamang ng mga unggoy. Kagaya na lamang ng ngyari sa Lopburi, Thailand kung saan ang grupo ng mga unggoy ay bumaba mula sa bukid at napadpad sa ciudad.

Namataan ang mga ito sa harap ng templo ng Prang Yam Sod kung saan sila ay lumalambitin sa mga kahoy at mga kable ng kuryente doon.

Ayon pa sa grupo ng mga eksperto mula Chicagona nag aaral sa pag-uugali ng mga hayop, kanilang sinabi na ang kakaibang pag-uugali ng mga hayop ngayon ay dulot ng krisis na nagaganap sa mundo dahil sa pandemya.

Ostrich – Quezon City, Philippines

Kamakailan ay nag viral ang Ostrich na palaka-lakad sa loob ng isang pribadong subdivision sa Quezon City. Ayon sa mga nakakita, tila aligaga ito at nag hahanap ng pwedeng madaanan para tumakas.

Matapos ang ilang oras ng paglalakad, ay nahuli din ito at na ibalik sa may-ari. Ngunit matapos ang ilang araw ay namatay ito matapos ma-stress dahil sa nangyari. Ayon sa imbestigasyon, ang nasabing ostrich ay may kaparehas na ngayon ay itinurn-over na sa pangangalaga ng DENR matapos walang mapag-alamang, hindi kumpleto ang nasabing permit ng may-ari.

Gigantic Locust – West Africa

Nagulantang at lubos na ikinabahala ng mga residente sa east Africa ang pag dagsa ng malalaking peste sa kanilang lugar. Ayon sa mga residente doon ito ang kauna-unahang beses na inatake sila ng malalaking locust na nag dulot ng pagka sira at pagkamatay ng kanilang mga pananim.

Kung babasehan ang storya ng biblia, isa ang locust sa 10 plagues na nangyari sa kasaysayan bago dumating ang takdang panahon ng paniningil ng Dios sa makasalanang tao.

Ayon sa mga eksperto, dahil sa pag ulan sa ibang parte ng lugar, nag hanap ang mga locust ng mainit na klema kung saan sila mangingitlog at magpaparami.

Cow – Iloilo City, Philippines

Isang baka ang bumungad sa mga motorista bandang alas 3 ng hapon noong isang linggo sa gitna ng diversion road ng Iloilo City.

Bagama’t wala namang pinsalang naidulot ang nasabing baka, marami ang nagulat, natuwa ngunit di mawari sa isipan ng marami kung bakit ito napadpad nasa gitna ng kalsada? Magpa hanggang ngayon ay inaalam pa ng awtoridad kung sino ang may-ari ng nakawalang hayop.

Wild Kashmiri Goats – Lladudno, Wales

Matapos isailalim sa lockdown ang halos buong sulok ng mundo, nagsipag labasan ang iba’t-ibang mga hayop sa kalsada. Kagaya na lamang nitong grupo ng mountain Goats na namataan sa bayan ng Lladudno, Whales.

Ayon sa mga nakatira doon, kapag masama ang panahon sa bukirin ay bumaba ang mga naturang hayop. Kaya naman ikinagulat ng mga residente ang biglaang pagbaba at pananatili ng mga wild Kashmiri gayong kalmado naman ang klima sa kanilang lugar.

Coyotes – San Francisco

Sa hindi inaasahang pagkakataon, may mga namataan na pagala-galang coyotes sa ciudad ng San Francisco na tila gutom at nag hahanap ng makakain. Palaisipan sa marami kung bakit ito nakarating sa ciudad gayong malayo naman ang kabukiran kung saan sila madalas makita noong hindi pa lockdown.

Kaya naman nagbabala ang awtoridad na peligroso ang lumabas ng bahay at huwag lapitan ang mga coyotes dahil lubos itong mapanganib at peligroso.

Street Ray’s – New Orleans

Dahil sarado ang halos lahat na establisimyento sa lugar, nagsipag labasan ang mga daga sa kanilang lungga. Ayon sa mga eksperto, naghahanap ito ng makakain.

Kaya naman nangamba ang mga residente doon dahil sa biglaang pag dami ng mga daga na halos aligaga at nagpapatintero sa gitna ng kalsada.

Ito ay ilan lamang sa mga namataang hayop na bumaba at lumabas mula sa kanilang tirahan dahil sa nangyaring lockdown sa iba’t-ibang lugar. Ang paglabas ng mga hayop sa kalsada ay pinaniniwalaan ng karamihan na senyales ito na may magaganap na unos na darating sa mundo. Ayon pa sa iba, mayroong nararamdaman ang mga hayop na pag yanig o pag iba ng klema o panahon kaya sila nagsisilabasan.

Kaya naman ang nangyari noong unang panahon ay hindi maiwasan na ibalik-tanaw ng mga nananampalataya sa Panginoon. Ayon sa iba, mataas ang pang-amoy at pandinig ng mga hayop kaya naman sila’y nagsisilabasan upang mag hatid ng mensahe. Matatandaan sa biblia ang Noah’s Arc, ay inutusan ng Dios si Noah upang ipunin ang kaniyang pamilya at mga mag-kakapares na hayop dahil may malaking bahang magaganap.

Mayroon din nagsasabi na marahil ang namataan na hayop ay nakatakas lamang mula sa kanilang kulungan hanggang sa napadpad ito kalye.

Subalit dahil sa sunod-sunod itong nagaganap sa iba’t-ibang parte ng bansa, hindi maiwasang magtaka ang karamihan. Ito nga kaya ay senyales ng nalalapit na pagbabalik ng Panginoon?

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: