Isang graduating student sa isang maritime school ang labis na nababahala ngayon. Ito ay bunsod ng diumano biglaang temporary closure ng kanilang eskwelahan.
School enrollment
Sa post ng netizen na si DaVin Ci, ibinahagi nito ang rason ng pagkabahala nito, kasama ng iba pa nyang mga kaklase. Isa syang graduating student mula sa Zamboanga Del Sur Maritime Institute of Technology o ZSMIT sa Pagadian City.

Sa paglalahad ng estudyante, bandang July nang makatanggap sila ng anunsyo mula sa eskwelahan na maaari nang magenroll ang mga estudyante. Ika-21 ng Hulyo nang personal itong magenroll. Doon ay nalaman nito na ang tentative na umpisa ng klase ay sa August 24.
Urong-sulong
Ngunit nang malapit na ang tinakdang unang araw ng klase ay inanunsyo naman ng eskwelahan na iuusog sa ibang araw ang pagbubukas ng klase. Muli at nagbigay ng tentative date na Sept 7 ang eskwelahan. Nasundan pa ito ng muling pag-urong ng pagbubukas sa Oct 5 at sinabi pa na tuloy o ongoing pa din ang enrolment.

Nang malapit na ang araw ng Oct 5, umaasa ang nga estudyante na matutuloy na ang pagbubukas ng klase dahil nagbigay na din ng schedule ang kanilang mga guro para sa video conference. Gayunpaman, muling naudlot pa ang pagbubukas na sana ay nagsimula na noong ika-5 ng Oktubre. Anila ay may kailangan pa umano pagmeetingan ang management.
Biglaang pagsasara
Ngunit nabigla ang karamihan noong Oct 15 dahil inanunsyo ng maritime school na sasailalim sa temporary closure ang eskelahan. Bagay na ikinagulat ng maraming magulang at mga estudyante.
“Sobrang Shock kami pati yung mga parents namin..Wala pa kaming mapupuntahan na ibang schools kasi nasa kalagitnaan ng pandemic, Yung ibang schools august na nag simula wala kaming alam kung tumatangap paba rin sila”
Dismayado
Ikinabahala pa ng netizen kung credited ba ang kanilang mga subject sa ibang eskwelahan. Labis na ikinalungkot nito na mahuli sa klase lalo pa at graduating student sila.

“May mag subjects din iwan ko kong credited ba or meron sa ibang school na wala sa amin..napakahirap po lalong lalo na nahuli na kami sa klase..at isa pa Graduating Student ako.
SOURCE: Facebook / DaVin CI
Be First to Comment