Press "Enter" to skip to content

Graduation Ng Mga Estudyante Ginawang House-To-House!

Ilang mga guro mula sa Panukulan, Quezon ang nakaisip ng kakaibang paraan upang maparamdam sa kanilang mga estudyante ang kanilang pagtatapos ng hayskul,ito ay dahil ang mga maramihang patitipon tulad ng graduation ceremony ay hindi tinuloy dahil sa community quarantine.

Ang pagtatapos ng mga estudyante

Ang ginawang house-to-house graduation ng mga senior hayskul mula sa Panukulan National High School (PNHS)  ay nangyari noong Hulyo 23, naisip ng mga guro ng nasabing eskwelahan na gawing house-to house ang kanilang pagtatapos upang mapasaya ang kanilang mga estuyante at gawin itong kahit papano ay espesyal.

Graduation Ng Mga Estudyante Ginawang House-To-House! 2
Photo Credit: Joseph Joyosa

Ang mga guro ay nagbahay-bahay upang maihatid sa kanilang mga estudyante ang kani-kanilang mga diploma o sertipiko ng pagtatapos, nais nilang iparamdam sa mga estudyante ang saya kapag dinaraos ang graduation. Ito ay kanilang ginawa dahil ang lalawigan ng Quezon ay nasa Modified General Community Quarantine (MGCQ), na kung saan nakapaloob na bawal lumabas ang mga hindi pa nasa 21 na taong gulang.

Ang pamamaraan na ginawa

Ayon kay Joseph Joyosa, isang guro mula sa paaralan na nasabi, ang bilang ng mga nagsipagtapos ng Grade 12 ay nasa 41. Sa simpleng paraan ay naisagawa nila ang graduation, gumamit lamang sila ng isang tricycle na pinaganda at nilagyan ng mga palamuti, at upang mas maramdaman talaga, sila ay naglagay ng sound system na pang-graduation ang tugtog.

Graduation Ng Mga Estudyante Ginawang House-To-House! 3
Photo Credit: Joseph Joyosa

Kahit na dalawa lang ang toga na magagamit nila, hindi ito naging hadlang upang hindi matuloy ang graduation. Ang ginawa na lamang ng mga estudyante ay magsalit-salitan sa pag gamit ng mga ito. Maliban sa mga estudyante sa Grade 12, pinuntahan rin ang mga estudyante sa ibang baitang upang ibigay ang may mga may medalya at pagkilala. Lubos na natuwang ang mga estudyante lalo na ang kanilang mga magulang.

Naaliw ang mga netizens

Maraming netizens ang natuwa sa ginawa ng mga guro mula sa Panukulan National High School. Ang mga netizens ay pinuri ang ginawa nilang pagmamalasakit at effort na maihatid ang graduation sa bahay ng mga estudyante at sinabi na ang galing na kanilang naisip, naghatid din ang mga netizens ng pagbati sa mga nagsipagtapos na mga estudyante.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: