Press "Enter" to skip to content

Grupo Ng OFW Sa Saudi Pinabayaan Ng Kanilang Agency

Tigil trabaho ang isang grupo ng OFW sa Saudi at kasalukuyang nanunuluyan sa SMASCO agency accomodation, problema umano nila ang pagkain at personal hygiene. Nanawagan ang kanilang grupo sa gobyerno na matulungan silang makauwi na sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Ang kalagayan

Marami sa empleyado ng SMASCO agency ang nahinto umano sa trabaho. Ang iba ay tapos na ang kontrata pero di pa din natutulungan ng kanilang agency na makauwi sa Pilipinas. Humigit kumulang sa 200 Pilipino ang nagsisiksikan sa accomodation ng agency, di pa umano kabilang dito ang ibang lahi.

Grupo Ng OFW Sa Saudi Pinabayaan Ng Kanilang Agency 2
Photo Credit: Facebook Page OFW Join Force

Kakulangan sa pagkain, personal hygiene at matutulugan ang mga problema na kinikaharap ng ating mga kababayan. Karamihan umano sa kanila ay natutulog nalang sa hallway ng walang nakalatag na mahihigaan. Nangangamba ang karamihan sa kanilang sitwasyon dahil wala ng social distancing at madali silang magkaroon ng sakit.

Ang panawagan

Nanawagan ang grupo gamit ang socia media at nag post ng video sa facebook. Humingi sila ng tulong at nagbanggit ng mga kilalang tao tulad nila Pangulong Rodrigo Duterte, Senator Bong Go, Senator Manny Pacquiao at Raffy Tulfo. Umasa sila na matulungan ng mga ito na mapauwi na sa Pilipinas.

Grupo Ng OFW Sa Saudi Pinabayaan Ng Kanilang Agency 3
Photo Credit: Facebook Page OFW Join Force

Ang paggawa ng video at pag post sa social media ang nakikita nilang pag asa para maipahatid ang kanilang panawagan at umaasang sila ay matulungan. Useless umano ang binigay sa kanilang accomodation kung wala ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain.

Ang reklamo

Nabanggit ng ilang miyembro na hindi pa sila pinapasahod ng kanilang agency simula March. May pinasok umano silang tatlong buwan pero walang sahod. Pinapa ikot ikot lamang daw umano sila at wala naman daw aksyon ang agency kahit kinausap na nila ito.

Grupo Ng OFW Sa Saudi Pinabayaan Ng Kanilang Agency 4
Photo Credit: Facebook Page OFW Join Force

Isa sa mga nag comment na netizen sa video post ang nagsabing napakarami umano na OFW ang stranded sa Saudi, isa na sya rito pero ngayon ay nakauwi na sa Pilipinas. Nasa company o agency na umano ang desisyon kung paano aasikasuhin at papauwin ang mga stranded na manggagawa.

Narito ang aktwal na video ng panawagan.

To: Philippine Consulate Jeddah Paki assist itong mga OFW na may problema OFW Contact Marcelo Baltazar Peralta +966563519985

To: Philippine Consulate Jeddah Paki assist itong mga OFW na may problema OFW Contact Marcelo Baltazar Peralta +966563519985

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Friday, July 3, 2020

Source: Facebook -OFW JOIN FORCE

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: