Press "Enter" to skip to content

Grupo Ng Sekyu, Inireklamo Ang Bulok Na Sistema Ng Kanilang Agency

Manila, Philippines – Nag trending ngayon ang video ng grupo ng mga security guard kung saan humihingi sila ng tulong kay Idol Raffy Tulfo dahil sa pag mamalupit at maling pag trato sa kanila ng kanilang Agency.

Ang Reklamo

Batay sa salaysay ng mga gwardia, dalawang buwan na umano silang hindi pinapa-sweldo ng kanilang Agency. Bukod pa dito, ang iba sa kanila ay peke ang binigay umanong lisensya at pinabayaran pa sa kanila ito bago i-release ng Agency.

Grupo Ng Sekyu, Inireklamo Ang Bulok Na Sistema Ng Kanilang Agency 2

Ani ng isang gwardiya,

“Idol Tulfo, humihingi po kami ng tulong sayo. Sana matulungan mo kami. Kagaya po ngayon, pinapa bale lang kami ng aming Agency, hindi binibigay samin ang buong sweldo namin. Dalawang buwan na kami ganito.”

Kakaibang pa-sweldo

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang naturang agency ay binigyan sila ng kontrata kung saan naka lakip doon na sila ay magsi-sweldo ng kinsenas kada buwan. Ang naturang sweldo naman nila ay P15,000 dapat pero ang nangyayari ay kung maniningil sila ng sweldo, sila umano ay binibigyan ng patingi- tingi lang.

Grupo Ng Sekyu, Inireklamo Ang Bulok Na Sistema Ng Kanilang Agency 3

Dagdag pa ng isang sekyu,

“Ako po Idol, matagal na ako dito at matagal na din na ganito ang nararanasan ko. Iyong sweldo ko, pag dating ng kinsenas, binibigyan lang kami ng P500 hundred pesos tapos bale pa daw po iyon. Ngayon, lalagyan nila ng pursyento. Ang dating parang kami pa ho ang may utang.”

Drawing na benepisyo

Bukod umano sa delayed na pa-sweldo, kanila pang nirereklamo ang pag oovertime nila na wala man lang bayad. Madalas pa mga daw hindi na sila nakakauwi dahil round the clock na ang kanilang pag du-duty.

Ani pa ng isa,

Grupo Ng Sekyu, Inireklamo Ang Bulok Na Sistema Ng Kanilang Agency 4

“Idol Raffy, saklolo po. Tulungan ninyo kamo. Madalas po underpaid kami at wala bayd ang overtime namin. Yung lisensya ko po peke pala, pinabayaran pa sakin. Papaano naman kung lumipat ako gn ibang agency, hindi ko naman pala magagamit un.”

Kanila din inirereklamo na wala na silang makain at wala na silang ma-iuwi sa kanilang pamilya. Bukod pa umano dito, kahit na naka-saad sa kanilang kontrata na meron silang benipisyo, hindi naman daw umano totoo un. Wala sila SSS kahit philhealth man lang daw, hindi mag bibigay ang kanilang agency.

Wika pa ng isa,

Grupo Ng Sekyu, Inireklamo Ang Bulok Na Sistema Ng Kanilang Agency 5

“Kahit pambigas lang sana para may makain kami at ang aming pamilya. Gutom na po kami, hindi man lang kami binigyan ng bigas man lang kagaya ng ibang agency. Dawalang buwan na kami ganito, idol. Puro parsyal lang ang binibigay, hindi buo.”

Bagamat kanilang hindi ibinigay ang pangalan ng Agency kung saan sila konektado, umaasa silang lahat na mabigyan sila ng tulong nang kanilang idol na si Raffy Tulfo.

Source: Facebook – Hyatt Al-Islam Kasim

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: