Press "Enter" to skip to content

Gusto Mo Ba Ng Tablet Mula Kay Heart Evangelista?

Sa kabila ng pandemyang hinaharap ng bansa, patuloy na naghahatid ng tulong sa kanyang sariling paraan si Heart Evangelista. Mamimigay ang aktres ng 550 tablets para sa mga estudyanteng hindi kayang makabili nito para sa darating na pasukan.

Anunsyo ng pamimigay

Nagpahayag ng suporta ang aktres sa mga estudyante matapos nga na i-anunsyo ang online learning class ng DepEd. Kaya sa pamamagitan ng kaniyang post sa Tweeter, sinabi ni Heart

“For those who don’t have tablets for online school please direct message (DM) me on Instagram (IG) … I will be giving away as much tablets as I can,”

Gusto Mo Ba Ng Tablet Mula Kay Heart Evangelista? 2
Photo credit: Twitter/@heart021485

Dagdag pa niya,

“I heard having a tablet or computer is a requirement for online classes so I will do the best that I can. I’m sorry I can’t help everyone but I will try to help as much as I can.”

Ka-akibat ng kaniyang programa

Cherry Mobile Flare Tab ang tablet na ipamimigay ni Heart para sa mga mag-aaral. Pinasalamatan nya ang agarang paghahatid ng mga tablet. Makikita rin sa Tweeter post at IG stories na ang pinambili ng mga tablet ay galing sa isang painting ni Heart.

Gusto Mo Ba Ng Tablet Mula Kay Heart Evangelista? 3
Photo credit: Instagram/@iamhearte

Matatandaan noong nakaraang taon ay nag collaborate si Heart at ang Cherry Mobile sa proyektong ‘Love Marie Collection’ by Cherry Mobile. Ibinida rito ang mga artworks ng aktres sa mga gadgets ng nasabing brand.

Pagtugon At Pakiusap

Ayon kay Heart, patuloy silang nakatatanggap ng dagsang mensahe mula sa mga tao na. Siya, sampu ng kayang pangkat ay patuloy na pinipili ang mga mapapalad na makakakuha ng tablet. Makikita na ang ilan sa mga pinalad na napili ay naipost na ng aktres sa kanyang IG stories.

Gusto Mo Ba Ng Tablet Mula Kay Heart Evangelista? 4
Photo credit: Instagram/@iamhearte

Nakiusap naman sa tweet si Heart sa mga gustong magkaroon ng tablet na sa IG sya bigyan ng mensahe. Ang mga may sakit at humihingi ng tulong medikal ang sinasagot naman aktres sa DM sa Tweeter. Dagdag pa ni Heart ay gagawa sila ng isang mabuting sistema upang mas marami silang mabasa na mga mensahe.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: