Press "Enter" to skip to content

‘Gusto Namin Kayong Marinig’, Hiling Ni Senador Angara Sa Mga Negosyante Kapag Dumating Na Ang New Normal

Nais marinig ni Senate committee on financial, Senator Sonny Angara, ang opinyon ng mga nasa pribadong sektor sa muling pagbawi ng gobyerno sa estado ng ekonomiya ng bansa na dulot ng COVID-19.

Pagbabagong simula

Pahayag ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara, ang pagkonsulta sa mga kinatawan mula sa pribadong sektor ay kinakailangan upang makakuha ng mas angkop na hakbang ang gobyerno kung papaanong mapapanatili ang mga negosyo kahit na patuloy parin ang mga regulasyon kontra COVID-19 sa bansa.

'Gusto Namin Kayong Marinig',  Hiling Ni Senador Angara Sa Mga Negosyante Kapag Dumating Na Ang New Normal 2
Source: Inquirer.net

Sabi ni Angara sa isang pahayag,

“(This is) to see how government can help reduce their hardship,”

Dagdag pa niya,

“We want to hear from representatives of the private sector about how the COVID-19 pandemic has affected their operations. What have they been doing to keep afloat during the lockdown and what have they done to help their employees?”

'Gusto Namin Kayong Marinig',  Hiling Ni Senador Angara Sa Mga Negosyante Kapag Dumating Na Ang New Normal 3
Source: Manila Bulletin

Ipinahayag din ni Senador Angara na hangga’t maaari ay matulungan ng gobyerno ang mga negosyanteng naapektuhan ng  krisis sa bansa.

Sabi niya,

“Moving forward, we will determine what must be done to help them minimize their losses and preserve the jobs of their employees now that they will have to operate under a drastically different environment that we are calling the new normal,”

Panukalang batas sa pagbawi ng ekonomiya

Ang pagdinig ay gaganapin nitong darating na Biyernes, ika-29 ng Mayo, kasama ang mga komite ng Senado hinggil sa ekonomiya sa pangunguna ni Senador Imelda “Imee” Marcos.

Mayroong hindi bababa sa anim na panukalang batas at isang resolusyon na naghahanap ng isang epektibong plano ukol sa pagbawi sa ekonomiya ng Pilipinas. 

Dalawa sa mga hakbang na dapat gawin, ang Senate Bills 1417 o ang ipinanukalang Economic Rescue Plan for COVID-19 at 1449 o ang Economic Rescue Plan for COVID-19 na iminungkahi ni Angara.

'Gusto Namin Kayong Marinig',  Hiling Ni Senador Angara Sa Mga Negosyante Kapag Dumating Na Ang New Normal 4
Source: Philstar

Aniya,

“This is an economic stimulus because the COVID-19 pandemic is said to be the biggest economic downturn since the Great Depression of the 1930s. Back then it took around three years before some economic recovery was seen,”.

‘Bayanihan To We Heal as One Act’

Ani ni Senador Angara,
 
“We must act swiftly. We do not want to repeat the mistakes of the past and we want to help those who really need it,”

'Gusto Namin Kayong Marinig',  Hiling Ni Senador Angara Sa Mga Negosyante Kapag Dumating Na Ang New Normal 5

Layunin ng mga senador na makiisa sa maraming pribadong sektor kasama ang gobyerno upang mas mabilis ang pagbawi at pagrekober ng bansa ukol sa ekonomiya.

Dagdag pa niya,

“This will also be a good time to review some of the programs rolled out under the Bayanihan We Heal as One Act. We’ll take a look at what is working and what needs tweaking if any,”

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: