Press "Enter" to skip to content

Gustong Makakuha Ng Libreng Tablet At Data Mula Kay Heart? Narito Ang Paraan Kung Paano Makatatanggap Ang Mga Mag-aaral

Dahil sa pagdagsa ng mga nangangailangan ng tulong mula kay Heart Evangelista, inilunsad nito ang kanyang proyekto na tinatawag na “Big Heart PH”. Ang proyektong ito ay naglalayong tulungan ang mga mag-aaral na mabigyan ng libreng kagamitan sa darating na pasukan sa ilalim ng new normal.

Ang proyektong handog

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista kung paano makakakuha ng tablet at libreng data ang mga tao sa pamamagitan ng inisyatibong ito.

https://www.facebook.com/phbigheart/

Dahil nga sa busilak na puso ng actress, kanyang binuksan ang ” Big Heart PH” upang kahit papaano ay makatulong siya sa mga pangangailan ng mga estudyante na makapag-aral sa panahon ng pandemyang ikinahaharap ng bansa.

Ang aplikasyon

Ayon sa kanyang post, dapat gawin ng mga aplikante ang mga sumusunod na hakbang:

  1. I-like ang official Facebook page i-follow ang Instagram account ng BIG Heart PH.
  2. Magpadala ng direct/private message sa official Facebook page o sa Instagram account ng BIG Heart PH kalakip ang pangalan, edad, kasarian, educational attainment, mobile numbers at kung bakit kailangan mo ng tablet.

Matapos gawin ang mga naunang hakbang, ihanda at isumite ang mga sumusunod na kinakailangan.

  • Kopya ng Valid School ID
  • Certificate of registration mula sa iyong paaralan o anumang patunay ng pagpapatala
  • Latest payslip ng magulang / tagapag-alaga o Certificate of Indigency mula sa iyong Barangay Office
Gustong Makakuha Ng Libreng Tablet At Data Mula Kay Heart? Narito Ang Paraan Kung Paano Makatatanggap Ang Mga Mag-aaral 2

Ipadala lamang ang mga ito sa bigheartph14@gmail.com. Mabuting tandaan na ang mga may kumpletong mga requirements lamang ang ipoproseso.

Ang kinatawan mula sa BIG Heart PH ay makikipag-ugnayan sa mga shortlisted applicants para sa phone interview. Ang mga applicants na ito ay isasama sa raffle draw.

Gustong Makakuha Ng Libreng Tablet At Data Mula Kay Heart? Narito Ang Paraan Kung Paano Makatatanggap Ang Mga Mag-aaral 3

Ang mapipili ay makatatanggap ng Flare Tablet na may libreng CMSURF 50 promo na mayroong 900MB para sa mobile internet sa loob ng 15 araw.

Ang masuwerteng mapipili ay bibigyan ng abiso sa pamamagitan ng text message / FB messenger o Instagram direct message.

Relief efforts ni Heart

Sinabi pa ni Heart na may pagkakataong maka-usap siya ng mapapagkalooban ng proyekto.

Una nang ibinahagi ng aktres na nagsimula ang proyekto simula nung may mga nagmemensahe sa kanya mula sa Twitter na nanghihingi ng tulong.

Gustong Makakuha Ng Libreng Tablet At Data Mula Kay Heart? Narito Ang Paraan Kung Paano Makatatanggap Ang Mga Mag-aaral 4
Photo Credit: Instagram

Aniya,

“I knew then in my heart that I had to do something. Something bigger,”

Bukod sa iba pa niyang mga pagsusumikap na makatulong sa gitna ng pandemya, nakapagbigay na si Heart ng ilang mga tablet para sa mga mag-aaral na walang gagamitin para sa online schooling.

View this post on Instagram

What once started as a small project on Twitter has now turned into one of biggest blessings this year. 🙏🏻 Been pouring our hearts and souls into this and finally I am so proud to say that we are officially launching Big Heart PH! Through this project, we aim to provide students the proper tools they need so they do not stop learning and educating themselves despite the current pandemic situation of our country. Little acts of kindness always make the biggest differences. We can always work together to be a ray of sunlight to others. ❤️ Make sure to follow @phbigheart on Instagram and Facebook for more details on how to get your very own tablet and free data!⁣⁣ ⁣⁣ Here are the full mechanics:⁣⁣ 1. Like the official Facebook Page or Follow Instagram of BIG Heart PH.⁣⁣ ⁣⁣ https://www.facebook.com/BIG-Heart-PH-109026644187222/⁣ https://www.instagram.com/phbigheart/?r=nametag⁣⁣ ⁣⁣ 2. Send a direct/private message (name, age, gender, educational attainment, mobile number and why you need a tablet) to either BIG Heart PH Official Facebook Page or Big Heart PH Instragram.⁣⁣ ⁣⁣ After doing steps #1 and #2, prepare and submit the following requirements:⁣⁣ – Copy of Valid School ID.⁣⁣ – Certificate of Registration from your school or any proof of enrolment.⁣⁣ – Latest payslip of parent/guardian or Certificate of Indigency from your Barangay Office to bigheartph14@gmail.com. Kindly note that only those with complete requirements shall be processed.⁣⁣ ⁣⁣ 3. A representative from BIG Heart PH will contact the shortlisted applicants for a phone interview.⁣⁣ ⁣⁣ 4. Shortlisted applicants will be included in the computer-generated raffle draw.⁣⁣ ⁣⁣ 5. The name/s that will electronically selected will get the Flare Tablet with a free CMSURF 50 promo which has 900MB for mobile internet for 15 days.⁣⁣ ⁣⁣ 6. Winners will be notified via text message/FB messenger/Instagram direct message.⁣⁣ ⁣⁣ 7. You will get a chance to talk to me! ❤️⁣⁣ ⁣⁣ #BigHeartPH @phbigheart

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: