Press "Enter" to skip to content

Halamang Tanglad May Biyayang Hatid Sa Isang Ina

Iloilo City, Philippines- Isang ina ang bumuhos ang biyaya na higit pa sa kaniyang inakala nang sinubukang i-barter ang kanyang tanim na halamang tanglad sa isang barter community group.

Paghihimok na sumali

June, 6- Si Joenalyn Dayanan ay isang single mother na may 3 anak, ay hinimok diumano ng kaniyang nagmalasakit na kaibigan na sumali sa iloilo barter community at binigyan ng load upang makagamit ng facebook. Dahil sa kawalan ng permanenteng trabaho kaya sa umaga ay asin na lang diumano ang inuulam ng kanyang mga anak at minsan pa ay humiling ang mga ito na kung maari ay itlog naman ang kanilang maiulam.

Paghihimok- Barter trade
Photo Credit: Abscbn

Kaya naman naisipan ni Joenalyn na sumali sa nasabing barter group at nagbakasaling mai-barter ang kanyang mga tanim na halamang tanglad ngunit ang mga natanggap ay higit pa sa inaasahang itlog at mantika.

Bumuhos ang biyaya

Sa pagbabakasali ay hindi inakala ni Joenalyn na bubuhos ang maraming tulong sa kanyang pinost sa nasabing group na umantig sa puso ng mga netizen. At dahil nasabing community group ay nakatanggap ito nang iba pang mga pagkain gaya ng tinapay, gata, de-lata at iba pa.

Biyaya- Barter trade
Photo Credit: Abscbn

Patuloy din ang pagbuhos ng biyaya na kanyang natatanggap kaya naman hindi napigilan ng isa sa mga anak nito na maiyak at magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanyang ina.

Aniya ng 6 na taong anak

“Salamat sa mga tumulong sa aking mama”

Barter community group

Matatandaang isa ang mga barter community group sa nakatulong upang makalingap ng pagkain ang ilang sa kababayang pilipino nang magkaroon ng malawakang lockdown sa bansa dahil sa pandemya. Ang barter trading ay isang pamamaraan upang maipagpalit ang ilang kagamitan para sa pagkain o gamit para sa ibang kagamitan.

Community group- Barter trade
Photo Credit: Abscbn

Bagama’t, naging malawakan na ang paggamit ng naturang barter trading ay sinabing ito ay maituturing na illegal kung ito ay may involve na halaga ng pera.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ni Joenalyn sa mga positibong nagbukas ng palad at nagbigay ng mga tulong sa kanya.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: