Press "Enter" to skip to content

Hard Lockdown Ulit? Sunog Sa Tondo 6 Ang Patay Pagkatapos May Hard Lockdown Pa

Anim ang patay sa isang sunog sa Zone 8, Barangay 91 sa Tondo kahapon ng umaga. Ito ay bago ipatupad ang 48-hour hard lockdown na magsisimula sa May 3.

Ang mga biktima

Ang anim na biktima ay galing sa iba’t-ibang pamilya na nakatira sa iisang bahay. Dalawa sa mga ito ay menor de edad na naiwan ng kanilang nanay na namalengke bilang paghahanda sa 48-hour hard lockdown sa Tondo.

Hard Lockdown Ulit? Sunog Sa Tondo 6 Ang Patay Pagkatapos May Hard Lockdown Pa 2
Photo Credits: ABS-CBN News

Posible umanong hindi nakalabas ng bahay ang mga biktima dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ito ang mga pangalan ng mga nasawi:

  • Nathalie Nicole Sorbito, 17-anyos
  • Shane Bernadette Sorbito, 16-anyos
  • Elizabeth Mendoza, 48-anyos
  • Janet Rosales, 49-anyos
  • Eugenio Pacia, 48-anyos
  • Remedios Pacia, 70-anyos

Umabot sa 8 bahay ang natupok sa naturang sunog at nasa 20 pamilya ang apektado. Sila ay kasalukuyang nakatira sa covered court ng Barangay 91 na nilagyan ng evacuation tents. Doon sila bibigyan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ng kanilang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, tubig, at gamot.

Ang pangyayari

Nagsimula ang nasabing sunog bandang alas sais ng umaga kahapon sa bahay ng nagngangalang Alfredo Estabillo sa kanto ng Tioco at Tapuri St. Umabot sa unang alarma ang sunog at nadeklarang fire-out pasado alas syete ng umaga.

Hard Lockdown Ulit? Sunog Sa Tondo 6 Ang Patay Pagkatapos May Hard Lockdown Pa 3
Photo Credits: GMA News

Patuloy pa ang imbetigasyon ng Bureau of Fire Protection sa sanhi ng sunog. Hinihinalang eletrical overload ang sanhi nito dahil ayun sa ilang residente ay may narinig diumano silang pagputok ng kable ng kuryente bago ang pangyayari.

Ito ay pangatlong sunog na sa Tondo simula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon. Ang unang dalawang sunog ay nangyari sa Delpan at sa Happy Land.

Hard lockdown

Doble dagok ito para sa mga nasunogan dahil kasama ang kanilang lugar na sasailalim sa ipatutupad na hard lockdown na magsisimula ngayon May 3 5:00am. Problema na nga sa pagkain nuon, ngayon ay nawalan pa sila ng matitirhan.

Hard Lockdown Ulit? Sunog Sa Tondo 6 Ang Patay Pagkatapos May Hard Lockdown Pa 4
Photo Credits: Twitter

Pumirma ng Executive Order si Mayor Isko Moreno nagsasailalim sa hard lockdown sa buong Ditrict 1 ng Tondo simula 5:00am May 3 hanggang 5:00am ng May 5. Sasailalim sa hard lockdown ang Barangay 1-146 ng District 1 sa Tondo, Manila.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: