Press "Enter" to skip to content

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador

Manila, Philippines – Naghain ng resolusyon ngayong araw ang ilang senador na nananawagan ng agarang pagbibitiw ni Health Secretary Francisco Duque III sa pwesto. Ito ay dahil umano sa “failure of leadership” sa pagtugon sa coronavirus pandemic.

Panawagan ng mga Senador

Mayroong 14 senador ang lumagda sa Senate Resolution No. 362 na nagsabing dapat ay mag-resign na ang kalihim dahil di nito nagawa ang kanyang mandato. Nagkasaad din sa resolusyon na nagkaroon ng kapabayaan si Duque at hindi naging epektibo ang pagtupad sa tungkulin.

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador 2
Source: ABS-CBN

Ayon sa mga ito, kahit na alam ni Duque ang tindi ng banta ng COVID-19 pandemic sa simula pa lamang ng taon, bigo itong ipatupad ang nararapat na precautionary measures para mabawasan kung di maiiwasan ang epekto ng health crisis.

Mga lumagda sa panawagan

Kabilang sa mga lumagda sa nasabing resolusyon sina:
– Senate President Vicente Sotto III
– Senate President Pro Tempore Ralph Recto
– Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri
– Senators Sonny Angara
– Nancy Binay
– Pia Cayetano
– Grace Poe
– Joel Villanueva
– Francis Tolentino
– Imee Marcos
– Ronald “Bato” Dela Rosa
– Bong Revilla
– Lito Lapid
– Panfilo Lacson

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador 3
Source: ABS-CBN

Iginiit sa resolusyon na ito ang dahilan kaya nalalagay ngayon sa panganib ang buhay ng mga healthcare workers, mga frontliners, at mamamayang Pilipino.

Sinabing “kapabayaan”

Ikinagalit pa nila ang mungkahi noon na Duque na huwag agad pigilin ang flights mula sa Tsina, na pinagsimulan ng COVID-19 outbreak.

“Certainly that’s one of the possible options that we are looking at, but not at this very moment,” ani Duque noong ika-29 ng Enero sa Kamara.

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador 4
Source: DZAR Radio

Dagdag pa ni Duque sa kanyang pahayag noon,

“The reason being, your honor, is we have to be very careful also of possible repercussions of doing this, in light of the fact that confirmed cases of the novel coronavirus are not limited to China.”

Akreditasyon ng DOH

Hinggil din sa usapin na ito, bigo daw ang DOH na bigyan ng akreditasyon ang mga testing centers. Ito umano ang labis na napagpabagal sa pagtugon ng mga local goverment units sa kinakaharap na krisis sa kasalukuyan.

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador 5
Source: ABS-CBN

Isa sa mga nasabing positibong tinutukoy ng mga senador ang delay sa inspeksyon ng Marikina testing center na magsasagawa na sana ng mass testing sa kanilang lungsod.

Komento ng Palasyo

Kaugnay nito, sinabi ng Palasyo na wala silang kinalaman sa hakbang ng ilang senador na pagbitiwin sa pwesto si Duque. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang posisyon ang Malacañang sa inihaing resolusyon ng mga senador.

Pero sinabi ng kalihim na hangga’t di tinatanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang myembro ng kanyang Gabinete, nananatili pa rin ang kumpiyansa at tiwala ng presidente sa mga ito.

Health Secretary Francisco Duque III, Pinagbibitaw Na Ng Ilang Mga Senador 6
Source: ABS-CBN

Disyembre nang unang maiulat ang virus na nagdudulot ng sakit, na sinasabing nagmula sa isang seafood market sa lungsod ng Wuhan, China.

Mababatid na kahapon ay pumalo na sa 5,453 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 353 rito ay mga naka-rekober na sa sakit habang 349 na ang namatay.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: