Browse By

Helpline Para Sa Mental Health, Isinulong Ng DepEd

Tuwing nagpapakita ang mga bata ng agresibo o anti-social behaviour, iniisip minsan ng mga magulang na sila ay nambabastos lamang, ngunit ang ugaling ito ay maaaring isang tagapagpahiwatig na ang kanilang mga anak ay nahihirapan sa mga isyu na nakakaapekto sa kanilang kalusugang pangkaisipan habang tayo ay nasa loob pa ng pandemya, ayon sa isang opisyal ng Department of Education (DepEd).

“Sometimes the parents would perceive it as disrespectful and even scold them. Let’s take a pause because this could be a manifestation that the children are going through difficult times.”

Director of DepEd’s Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), Ronilda Co

Mga bagay na maaaring hanapin

Photo Credits: Legacy Healing Center

Ayon kay Co, ang iba pang tagapagpahiwatig na sila ay naaapektohan ng mental health problems ay ang pag-iisa sa sarili, nagkakaroon ng mga bangungot, nahihirapan matulog o mag-focus, at pagiging iritable. Maaaring may mga pisikal din na manifestations katulad ng hyperventilation o iba pang problema sa paghinga.

Maaari rin hanapin ang mga senyales tulad ng kalungkutan at pagkalito na, kung ito ay hindi natugunan, ay maaaring lumala at humantong sa mga pag-iisip ng pagpapakamatay.

Sikolohikal na pagkabalisa

Photo Credits: Kat Smith from Pexels.com

Sa kanilang pagsisikap para matulungan ang mga basic at sekondaryang antas sa kanilang pag-aaral upang makayanan ang pagkagambala sa sistema ng edukasyon bunga ng pandemya ng COVID-19, and DepEd ay naglunsad ng iba’t-ibang mga hakbangin, kabilang na rito ang pagpapalakas ng mental health helpline system nito.

Gamit ang helpline system, ang mga studyante, guro, at ang publiko ay maaaring makipag-ugnayan sa iba’t-ibang health organization sa buong Pilipinas na maaaring tumulong sa kanilta tungkol sa mental at sikolohikal na distress.

Ang mga nagreresponde sa hotlines ay maaaring kumausap sa learners at kayang mag-asses kung kakailanganin silang i-refer sa isang mental health expert katulag ng mga psychologists o psychiatrists.

Photo Credits: timesnownews.com

Pagbisita sa bahay

Maaari rin buimsita ang isang DepEd personnel galing sa regional offices sa mga bahay ng apektadong studyante upang malaman ang kanilang sitwasyon sa buhay upang magkaroon ng kalinawagan.

Ayon kay Co, ang pinakamalaking hakbang ng learners ay ang distance learning. Sa ilalim nito, nahihirapan sila bumalanse ng kanilang academic workload at mga responsibilidad sa bahay.

Ang pagkawala ng pakikipag-ugnayan ng mga tao habang sila ay nananatiling nakakulong sa loob ng kanilang mga bahay bilang karagdagan sa mga problema na kinakaharap ng kanilang mga magulang ay maaari ding mag-ambag sa kanilang pagkabalisa.

“Some parents have lost their jobs, especially the breadwinners, and they are having a hard time managing the experience. So it really spills over to the kids.”

Director of DepEd’s Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), Ronilda Co

Pagtulong ng Tala TV

Photo Credits: Department of Education’s Facebook

Bukod sa helpline system, ang DepEd ay nagalok ng psychosocial support services para sa mga elementary sa pamamagitan ng isang teleserye na pinamagatang “Tuklasin, Alamin, Likhain, at Alalahanin” o Tala. Mayroon itong musikam mga bahagi ng pagkukuwento at mga aktibidad sa sining na nilayon upang ma-“ensure the proper development of children’s social emotional learning.”

Ipinapalabas sa DepEd TV tuwing Sabado ng 7am, nagbibigay din si Tala ng mga payo para sa mga magulang na kilalanin at kilalanin ang mga emosion at kalakasan ng kanilang mga anak, at makatulong sa pagbuo ng kanilang pagpapahalaga sa sarili.

Photo Credits: Department of Education’s Facebook

Para sa mga secondary learning, pwede silang sumali sa OKKK! Tambayan, o ang Online Kahusayan at Katatagan ng Kabataan initiative, kung saan mayroon mga focus group discussions.

“We give them space to actually interact with mental health experts who are our resource persons on a weekly basis.”

Director of DepEd’s Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), Ronilda Co

Mayroon ding mga programa upang tulungan ang mga mag-aaral na may mga kapansanan, aniya, at binanggit na tinitingnan nila ang pagtatatag ng mga partikular na psychosocial na suporta para sa mga mag-aaral sa mga grupo ng Muslim at katutubo.

Paano naman ang mga guro?

Para sa mga guro at mga school personnel, may mga seminar at capacity-building initiatives upang masigurado na ang kanilang mental health needs ay natutulungan.

Ayon kay Co, tuwing Miyerkules, may mga maliliit na grupong :kamustahan” at sessions para sa mga teachers sa buong bansa “to provide them the anchor in handling and continuously managing what they are experiencing.”

Nuong Hulyo ng 2020, inintroduce ng DepEd ang “Gabay Baha” project upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga magulang at caregivers habang binibigyan nila ang mga bata ng gabay at suporta habang nasa loob ng pandemya.

“Our ultimate goal is to hopefully, eventually, [the students] will not only be able to cope or manage but also thrive in this difficult situation. If we are able to do that, we can be proud and say that we have attained resiliency.”

Director of DepEd’s Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), Ronilda Co

Source: Inquirer.net

Leave a Reply

Your email address will not be published.