Press "Enter" to skip to content

Hero No‌ More? 3‌ OFW Lumabag Sa Protocol AT Dumiretso Ng Uwi‌ Sa Cebu

Tatlong OFW ang laman ngayon ng balita dahil sa paglabag sa protocol kung saan pinadadaan muna sila sa 14-day quarantine bago payagan umuwi sa kani-kanilang lugar.

Pagtakas

Inireport ng Gobernador ng lalawigan na si Gwendolyn Garcia ang pagtakas sa protocol ng tatlong OFW. Hindi daw umano nila kinumpleto ang dapat na 14-days quarantine bago sila makauwi.

Hero No‌ More? 3‌ OFW Lumabag Sa Protocol AT Dumiretso Ng Uwi‌ Sa Cebu 2

Napagalaman nila na dumating ang mga OFW sa Cebu sa pamamagitan ng land trip. Isa sakanila ang taga Barangay Dumlog, Talisay City, habang ang dalawa naman ay taga Tudela sa Camotes and Samboan Islands.

Tamang Proseso

Nilinaw din ni Garcia na kahit pa nahihirapan na ang OFW sa trabaho niya abroad dahil sa COVID-19, ay hindi parin ito sapat na dahilan upang balewalain ang protocol at tamang proseso.

Ayon sa gobernador dapat daw ay makakuha muna ng certificate of quarantine mula sa local health center o sa Department of Health mismo ang OFWs bago sila payagan umuwi sa kani-kanilang lugar.

Dagdag pa dito, dapat daw ay may quarantine pass sila na may bisa ng 24 oras o hanggang makauwi sila para hindi maharang sa mga checkpoint.

Paghihigpit

Ang pamahalaan natin ay naghihigpit ngayon para mapigilan ang pagkalat ng virus. Kaya naman hinihikayat ang lahat upang sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno at wag na magpasaway.

Kahit pa okay ang pakiramdam ng tatlong OFW kaya nagawa nilang umuwi, o kahit pa sobrang miss na nila ang kanilang pamilya, dapat padin ay sumunod sa mga utos ng gobyerno.

Ito ay para sa kapakanan ng lahat. Upang hindi makapanghawa kung sakaling may virus sila. Na patutunayan naman ng certificate kung sumunod lang sila sa protocol.

Repartriation

Mahigit 185 na Cebuano na ang napapauwi ng may certificate of quarantine at nabigyan ng travel authority upang makauwi sakani-kanilang pamilya.

Ito ay irerequire naman ng LGU sa lugar nila upang patunay na pede na silang tanggapin at mamuhay kasama pamilya nila.

Anong masasabi niyo sa ginawa ng tatlong OFW‌na ito?

Source: Philippine News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: