Press "Enter" to skip to content

‘He’s A Good Officer, An Honest One’. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas

Manila, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ang may ayaw na mailipat ang kontrobersiyal na si National Capital Region police chief Maj. Gen. Debold Sinas.

Hindi sibakin at ililipat

Nitong nakaraang linggo, naging malaking isyu kay Sinas ang naganap na mañanita sa kaarawan nito kamakailan. Kagabi, sa public message ng Pangulo, kaniyang tinugunan ang usapin hinggil sa pagpapatalsik at pag lipat kay Sinas.

'He's A Good Officer, An Honest One'. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas 2
Photo credits: CNN Philippines

Ani ng Pangulo,

“Ako yung ayaw na malipat siya. He is a good officer, he’s an honest one. Hindi niya kasalanan kung may mangharana sa kanya sa birthday niya.”

Matatandaan na inirereklamo si Sinas matapos dagsain ng sandamukal na tao ang idinaos na birthday mañanita para sa kaniya. Sa ilang litrato na kumalat online, nakita na wala pa siyang face mask na suot.

Sinabi pa ng Pangulong Duterte na hindi niya aalisin sa puwesto si Sinas sa gitna ng kontrobersiya.

“Sabihin mo the law is the law well… akin na yun. He stays there. Siyempre may meryenda yan, may pagkain. Alangan naman kainin ang mask.”

‘Irreplaceable’

Nauna rito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi niya masabi kung ‘irreplaceable’ si Sinas. Ito ay matapos na umani ito ng batikos nang magdaos ng birthday party kasama ang mga kasamahan sa pulisya sa kabila ng mga probisyong nagbabawal sa mass gathering na inilatag ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

'He's A Good Officer, An Honest One'. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas 3
Photo credits: MSN

Ani nito,

“Ang sentimyento kasi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa ay dahil nasa emergency situation ang bansa ay mahirap na agad na palitan si Sinas sa puwesto.”

'He's A Good Officer, An Honest One'. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas 4
Photo credits: MSN

Ayon pa kay Roque,

“Inaantay po namin ang resulta ng IAS (PNP’s Internal Affairs Service). Palasyo ang maglalabas ng go order kung sasampahan ng administrative charge si General Sinas.”

Dagdag pa niya,

“Since Palasyo po ang magde-determine kung makakasuhan o hindi si Sinas, I would rather not comment on that.”

'He's A Good Officer, An Honest One'. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas 5
Photo credits: MSN

Matatandaan na humaharap si Sinas at 18 iba pang kasama sa kaniyang mañanita sa diumano’y paglabag sa Republic Act 111332, o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.” Maliban sa Taguig City Ordinance 12-2020 na nag-oobliga sa pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing. May kasong administratibo rin sina Sinas kaugnay ng “less grave neglect of duty” at “less grave misconduct” dahil sa pagdaraos ng nasabing kaarawan.

Ayon sa PNP, maaaring umabot ng 60-araw na suspensyon ang kanyang parusa. Idinireto na rin daw sa Malacañang ang mga kasong administratibo laban kina Sinas, ayon kay Gamboa.

Pag depensa

Matatandaang dinepensahan ni Gamboa si Sinas kaugnay ng insidente.

Kaniyang sinabi,

“I don’t think na meron violation ito.”

'He's A Good Officer, An Honest One'. Pangulong Duterte, Dinepensahan Si Major General Sinas 6
Photo credits: CNN Philippines

Ibinida rin ng hepe ng PNP si Sinas dahil sa pagtapos diumano ng top cop ng Metro Manila sa iligal na sugal nang mamuno sa NCRPO. Maliban kay Sinas, kinasuhan din kaugnay ng insidente sina Brig. Gens. Nicholas Bathan, Florendo Quibuyen, Florencio Ortilla, Gerry Galvan at Idelrandi Usana. Kasama rin nila ang walong police colonel, isang lieutenant colonel, dalawang police major at dalawang corporal.

Sa ngayon, dahil sa kinakaharap na krisis ng bansa ay hindi naman kinasuhan ang mga nasabing pulis kaugnay ng RA 11469, o ang Bayanihan to Heal as One Act.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: