Press "Enter" to skip to content

Hindi Airborne Ang COVID-19 – DOH

“Ang coronavirus disease (COVID-19) ay hindi airborne. Maari lamang itong makahawa kapag nagkaroon ng malapitang pakikipagsalamuha o “close contact” at nalanghap ang bahing o ubo ng isang taong may coronavirus infection.” Ito ang malinaw na pahayag ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules.

Hindi Airborne Ang COVID-19 - DOH 2
DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire

Pahayag ng WHO

Nagpahayag kamakailan ang World Health Organization (WHO) na airborne umano ang virus. Ipinaliwanag ng ikalawang kalihim ng DOH na si Maria Rosario Vergerie na posible lamang na maging airborne ang paraan ng pagkahawa kapag nakakulong sa isang lugar na walang bentilasyon. Ito ang naging pahayag nya sa isang press conference.

Resulta ng pag-aaral sa Amerika

Ginawa ni Vergerie ang paglilinaw ukol sa resulta ng isang pag-aaral na ginawa sa Amerika. Lumalabas na kasi sa pag-aaral kapag umubo o bumahing ang isang tao ay natatangay ng hangin ang virus sa pamamagitan ng “droplets”. Maari pa rin umanong makakontamina ang“aerosols” nito nang hanggang sa tatlong oras.

“Ito pong sakit sa COVID-19 is still transmitted through droplet transmissions and close contact,” ang mariing paliwanag ng pangalawang kalihim na si Vergerie.

Hindi Airborne Ang COVID-19 - DOH 3
Facebook

Kailangan ng intervention

Dagdag pa niya, “The WHO and epidemiologists in our country made a modeling estimate that 75,000 cases in the span of three months ay aabutin natin kung hindi tayo maglalagay ng interventions.”

“It can reach that peak but we can flatten this curve,” sabi ni Vergerie.

Patuloy pa rin ang masigasig na paghihimok ng kalihim sa publiko tungkol sa mahigpit na pagsunod sa “social distancing”.

Source: MANILA BULLETIN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: