Press "Enter" to skip to content

Hindi Exempted Ang Mga Frontliners Sa “No Angkas Policy” – MMDA

Nilinaw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID ang nag-utos na hindi dapat exempted ang mga healthworkers at frontliners sa “no angkas policy” habang umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ). Kahit pa kasama ang mga ito sa mga nakikipaglaban sa COVID-19.

Viral

Matapos mag-viral ang Facebook post ni Michael Villanueva tungkol sa pag-sita at pag-ticket sakaniya ng isang MMDA constable habang angkas niya ang hipag na isang frontliners sa Q.C. hopsital, inulan ng batikos ang naturang ahensya.

Hindi Exempted Ang Mga Frontliners Sa “No Angkas Policy” - MMDA 2
Photo credits to Youtube

Ipinaliwanag ni MMDA spokesperson Celine Pialago na hindi exempted ang mga frontliners at healthworkers sa nasabing polisiya. Sinusunod lamang umano nila ang guidelines na ibinigay sakanila ng IATF-EID.

May mali

Sa kabila naman ng paninindigan ng ahensya na sumusunod lamang sila sa utos, inamin din naman nila na may mali rin sa ginawa ng kanilang constable. Ito ay matapos na pababain at pasakayin muli ng motorsiklo ang frontliner matapos sila ma-ticketan dahil sa wala silang makuhang masasakyan nito. Ayon kay Pialago, ang tamang ginawa sana ng MMDA constable ay tawagan sila upang humingi ng tulong na maihatid ang frontliner.

“‘Yung traffic constable, dapat nakipag-coordinate sa aming mobile base para nakapagpadala ng mobile para ibaba ang frontliner sa pinakamalapit na waiting area at i-coordinate doon sa mga shuttle services at libreng sakay,”

Dagdag pa ni Pialago, nagkamali ang kanilang constable ng hayaan nito na sumakay muli ang frontliner sa motorsiklo. Kasalukuyan naman umano nilang ini-imbestigahan ang kaso. Titingnan nila ang record ng mga CCTV sa lugar upang malaman ang tunay na nangyari.

Hindi bawal ang motorsiklo

Nilinaw naman ng DOTr (Department of Transportation) na hindi naman nila ipinag-babawal na mag-motor ang mga frontliners at healthworkers, ang tanging ipinagbabawal lamang nila ay ang pag-angkas ng mga ito at nang kahit na sino dahil hindi umano nito nasusunod ang social distancing.

Hindi Exempted Ang Mga Frontliners Sa “No Angkas Policy” - MMDA 5
Photo credits to GMA News

“Hindi po pinagbabawalan ang gumamit ng motor lalo na nung mga frontliners o nasa essential travel. Ang bawal lang po, yung may angkas,”.

Ito naman ang naging paglilinaw ng nasabing ahensya.

Source: INQUIRER

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: