Press "Enter" to skip to content

Hindi Inaasahang Miyembro Ng Pamilya Pasok Sa SAP, Sino Kaya Ito?

Isang residente sa Barangay  San Jose sa Rodriguez, Rizal ang nagtaka. Ito ay ng malaman niyang ibang pangalan ang nakalista sa address ng kaniyang bahay. Pero mas nagulat siya dahil ang nakalistang pangalan sa  Social Amelioration Program(SAP) masterlist ay pangalan ng aso niya.

Si Margarita

Sa Twitter post ni Mark Makalalad ng Super Radyo dzBB nitong Biyernes, sinabi ni Nurharija Lim Rosqueta, na nagulat siya. Ito ay nang makita niya na nakalistahan sa masterlist ng SAP ay ang pangalan ng kanyang aso Ang pangalan ng aso niya ay si “Margarita” Lim Rosqueta.

Karaniwang inilalagay ang apelyido ng pet owner sa pangalan ng alagang hayop sa medical record nito.

Paglilinaw

Upang malinawan ang mga taga DSWD ay nagpunta at nagpakita pa umano ng Identification Card (ID) si Nurharija sa barangay. At para mapatunayan na ang address na nakalagay sa naturang masterlist ay ang address ng bahay niya.

Hindi Inaasahang Miyembro Ng Pamilya Pasok Sa SAP, Sino Kaya Ito? 5
Twitter

Hindi naman daw maipaliwanag ng mga kawani ng barangay kung bakit “Margarita” ang pangalan na nakalista sa diumanong SAP masterlist.

Labis na panghihinayang

Dahil dito hindi umano nakuha ni Nurhariya ang ayuda kaya nagreklamo siya sa barangay. Labis ang panghihinayang niya dahil sa pagod sa pila at nabasa pa siya ng ulan ng araw na iyon.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: