Press "Enter" to skip to content

‘Hindi Kami Ang Kalaban Mo.’ Pahayag Ng Bulgar Kay Catriona Gray

Manila, Philippines – Tumugon ang Bulgar noong Agosto 4 sa reklamo ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, matapoa itong humihiling ng P10 milyong danyos at public apology dahil sa pag lathala ng nasabing viral nude photos na pinag pyestahan ng mga netizens.

Pahayag ng Bulgar

Naglabas ng pahayag si Bulgar entertainment editor Janice Navida, pati ang na ang writer na si Melba Llanera, sa website ng newspaper. Ayon kay Navida, natanggap niya ang demand letter ni Gray na may pestang Hulyo 30, noon lamang Agosto 3 dahil siya ay naka-quarantine nang 14 na araw.

'Hindi Kami Ang Kalaban Mo.' Pahayag Ng Bulgar Kay Catriona Gray 2
Photo Credit: Rappler

Naglabas din ito ng saloobin hinggil sa reklamo ni Gray, ayon kay Navida,

“It’s really unfortunate and I feel so sorry that we came to this point when we could have talked nicely.”

Idiin din niyang “good friend in the entertainment world” ang abogado ng beauty queen na si Atty. Jojie Alonso.

Demand letter mula kay Gray

Ayon naman sa kampo ni Catriona sa nasabing demand letter, “immeasurable damage” ang naidulot ng Bulgar sa kanyang reputasyon dahil sa pagsasapubliko ng naturang pekeng “topless” na larawan.

'Hindi Kami Ang Kalaban Mo.' Pahayag Ng Bulgar Kay Catriona Gray 3
Photo Credit: Pep Ph

Ngunit iginiit ni Navida na natanggap nila ang larawan sa gitna ng mga aktibidad ng ex-boyfriend ni Gray na si Clint Bondad, kung saan nagpost ito ng mga palaisipang Instagram posts patungkol kay Gray at sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Sam Milby.

Ani ni Navida,

“The first thing that got into our mind if of course, is this true or fake?”

Trabaho lamang

Ayon kay Navida, ang intensyon ng Bulgar sa paglalathala ng larawan ay upang ipagbigay-alam sa mga tagabasa, hindi lamang sa kampo ni Gray, na maaaring may grupo ng mga taong nagpapakalat nito para siraan umano ang beauty queen.

'Hindi Kami Ang Kalaban Mo.' Pahayag Ng Bulgar Kay Catriona Gray 4
Photo Credit: Bulgar Online

Matatandaan na ang lumabas na larawan ay may mga katagang nakalagay sa artikulo na:

“Kung sakaling totoo ito at hindi edited lang, ‘di na namin papangalanan pero tiyak na may ideya na ang ibang tao kung sino ang maaaring nasa likod ng paglalabas nito.”

'Hindi Kami Ang Kalaban Mo.' Pahayag Ng Bulgar Kay Catriona Gray 5
Photo Credit: Bulgar Online

Samantala, umaasa ang Bulgar na mapagtatanto ni Catriona na nasa kanya ang simpatya nila. Binigyang diin ni Navida na bagama’t “masama pakinggan” ang pangalan ng diyaryo, ang tunay na layunin umano nito ay ibulgar ang katotohanan nang walang halong bias.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: