Press "Enter" to skip to content

Hindi Pinipilit ng DepEd Ang Mga Estudyante Na Mag-Aral Online -Briones

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na nasa 20,220,000 na ang nagpalista para sa school year na darating, 200,000 hanggang 250,000 na mga mag-aaral ay mula sa mga pribadong paaralan, na kung saan noong Hulyo 15 ang itinakdang deadline para sa enrollment ng mga pampublikong paaralan.

Ang naitalang bilang

Mula sa isang panayam sa Dobol B sa News TV noong Hulyo 15, sinabi ni Undersecretary Tonisito Umali na nasa higit na 20 milyong mga mag-aaral na ang nagpalista, 19,145,129 ang nasa pampublikong paaralan habang 1,050,437 ang nakatala sa mga pribadong paaralan.

Hindi Pinipilit ng DepEd Ang Mga Estudyante Na Mag-Aral Online -Briones 2
Photo Credit: Philstar

Dagdag pa ni Umali, maaari pang tumaas ang bilang mula sa mga pribadong paaralan dahil hindi pa sila nagsusumite ng kani-kanilang mga ulat. Naitala noong nakaraang taon ng pasukan ay mayroong 27.5 hanggang 28 milyong mga mag-aaral ang nagpalista, at sa bilang na iyon ay 22.5 milyon ang nasa mga pampublikong paaralan.

“Nasa halos 25% lamang po ‘yan ‘yung numerong nabanggit ko (1,050,437) doon sa last year’s enrollment figures natin sa private schools,” ani niya.

Dagdag pa niya,

“Pero naniniwala po kami na tataas pa po ‘yan dahil baka hindi pa po nagre-report lahat,” 

Sa pampublikong paaralan

Sa kabilang banda naman, makikita sa talaan na ang mga pampublikong paaralan ay nasa 84.8% na ang numero ng pagpapatala mula sa nakamit noong nakaraang taon. Ayon din kay Umali, na nagtala ng humigit kumulang 200,000 hanggang 250,000 ang lumipat mula sa pribado tungo sa pampublikong paaralan. Ito ay nagpapakita na maayos ang campaign ng Deped sa libre at dekalidad na edukasyon.

Hindi Pinipilit ng DepEd Ang Mga Estudyante Na Mag-Aral Online -Briones 3
Photo Credit: GMA Network

Saad din ni Umali, na ang naging maaaring dahilan sa paglipat ng mga mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan patungo sa mga pampubliko ay ang sitwasyon ng bawat pamilya ngayon sa kinahaharap na pandemya.

  “Ang nakikita po natin, dahil marami po tayong kababayan na marami pong kinakaharap na pagsubok sa kanila pong kita, ‘yun po ang isa sigurong dahilan kung bakit po naglilipatan itong ilang mga bata mula sa pribado patungong pampublikong paaralan,” paliwanag niya.

Ayon sa kanila, ang nangyaring pagbaba sa bilang ay maaaring masolusyunan kapag napabuti na ang ekonomiya at magkaroon na ng mga trabaho ang mga tao.

Pahayag ng secretary

Inihayag naman sa isang Pre-SONA Forum noong Miyerkules ni DepEd Secretary Leonor Briones ang bilang na mga nagpalista, ito ay nasa kabuuan na 20,220,507. Ito ay halos three-fourths na bahagi ng kanilang mga enrollees noong nakaraang taon.

Sakabila ng mga pagbabago at mga pagsasaayos dulot ng COVID-19, nakapagtala pa rin ang Alternative Learning System ng 257,220 na mga enrollees.

Hindi Pinipilit ng DepEd Ang Mga Estudyante Na Mag-Aral Online -Briones 4
Photo Credit: GMA Network

Sinabi rin ni Briones na hindi pinipilit ng DepEd ang mga mag-aaral na mag-online sa kanilang pag-aaral kasabay ang pagpapaliban ng face-to-face classes.

“Kung hindi puwede ang online, ang sabi namin, andiyan ang telebisyon, nandiyan ang radyo,” ani ng DepEd secretary.

Dagdag pa niya,

“Hindi pinipilit ang mga bata na mag-online sila kung hindi talaga puwede ang online dahil maraming ibang paraan na matuturuan sila without necessarily going online.”

Paliwanag niya na kapag hindi makakagamit ng radyo, telebisyon, online at iba pang mga platform ang mga estudyante, maaari silang gumamit ng printed modular materials na inihanda ng DepEd at ito ay ipapamahagi sa mga paaralan sa tulong ng mga LGU.

Source: GMA Network

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: