Press "Enter" to skip to content

“Hindi Safe Ang Barrier”: Mag-asawang Motorista, Sugatan Dahil Sa Bubog Ng Nabasag Na Barrier!

Isang mag-aswang motorista ang sugatan matapos tamaan ng mga bubog ng kanilang barrier. Nagsemplang kasi ang mag-asawa na naging sanhi ng pagkaka-basag ng barrier sa pagitan nilang mag-asawa.

Barrier

Sa kwento ng misis na si Dla Cruz, nagpagawa silang mag-asawa ng barrier tulad ng naaprubahang desenyo ng pamahaalan bilang pagsunod sa utos ng gobyerno. Ito ay upang payagan silang bumiyahe ng magkaangkas sa motorsiklo.

“Hindi Safe Ang Barrier”: Mag-asawang Motorista, Sugatan Dahil Sa Bubog Ng Nabasag Na Barrier! 2

Masaya ang mag-asawa ng payagan ng pamahalaan na mag-angkas ang mga mag-asawa basta may protective barrier sa pagitan ng mga ito upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na COVID-19.

“Hindi Safe Ang Barrier”: Mag-asawang Motorista, Sugatan Dahil Sa Bubog Ng Nabasag Na Barrier! 3

Noong una ay walang problemang nakikita ang mag-asawa dahil hindi naman ito nililipad ng hangin. Subalit may kaunting pagkailang lamang dahil above the head ang nais ng pamahalaan.

Bubog ng barrier

Subalit habang sakay ng motorsiklo pauwi ng kanilang bahay ay dumulas ang kanilang motorsiklo sa buhangin. Ito ay dahil sa biglaang pagpreno upang maiwasan makabangga ang isang nagbibisekleta.

“Hindi Safe Ang Barrier”: Mag-asawang Motorista, Sugatan Dahil Sa Bubog Ng Nabasag Na Barrier! 4

Dahil dito, nabasag ang salamin ng barrier na nakasuot sa kanyang asawa. Ang mga bubog nito ang tumusok sa balat nilang mag-asawa kung kaya sila nasugatan. Bukod pa rito, nahirapan huminga ang kanyang asawa dahil napadapa ito sa buhangin habang suot pa rin nito ang barrier.

“Hindi Safe Ang Barrier”: Mag-asawang Motorista, Sugatan Dahil Sa Bubog Ng Nabasag Na Barrier! 5

Dito naisip ni Cruz na hindi ligtas ang barrier na nais ipatupad ng pamahalaan. Ang bubog nito ay napakadelikado kung sakaling magsemplang ang motorsiklo. Maaring bumaon ang mga ito sa katawan ng motorista na pwedeng maging sanhi ng malalang sugat o maari rin itong maging sanhi ng pagkamatay.

Panawagan

Panawagan ngayon ni Cruz na sana ay pakinggan ng pamahalaan ang pagsusumamo nila na tanggalin na ang barrier. Hindi umano ito ligtas at maaring magpalala pa sa sitwasyon kung sakaling maaksidente ang motoristang tulad nilang mag-asawa.

Aniya, sana ay jacket, facemask, helmet, at gloves na lamang ang ipasuot sa mga motorista at tanggalin na ang barrier.

Marami naman sa mga netizen ang sumang-ayon sa panawagan na ito ni Cruz. Anila, baka hindi sa COVID-19 mamatay ang mga motorista kundi sa barrier. Sabi pa ng ilan, wala naman silbi ang barrier dahil magkasama naman ang mag-asawa sa bahay.

Source: Cavite Muna

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: