Press "Enter" to skip to content

‘Hirap Na Ako Huminga At Nilalagnat Na. Wala Akong Day-Off At Ayaw Ako Dalhin Ng Amo Ko Magpa Swab Test.’ Hinaing ng Isang OFW Sa Kuwait

Kuwait City – Kumakalat ngayon sa social media ang panawagan ng isang OFW sa Kuwait na humihingi ng tulong matapos pabayaan ng amo kahit na hirap na itong huminga at nilalagnat na.

Hinaing ng OFW

Sa naturang video, kapansin-pansin ang na tila barado ang ilong ng OFW na si Bianca De Vera at hirap itong huminga. Sa kaniyang salaysay, sinabi nito na mag iisang lingo na siyang nakakaranas ng pag ubo, sipon at masakit ang pangangatawan.

'Hirap Na Ako Huminga At Nilalagnat Na. Wala Akong Day-Off At Ayaw Ako Dalhin Ng Amo Ko Magpa Swab Test.' Hinaing ng Isang OFW Sa Kuwait 2

Ani niya,

“Hihingi po sana ako ng tulong sa inyo. Isa po akong DH dito sa Kuwait. Mag iisang linggo na po ang lagnat ko pabalik balik.”

Dagdag pa niya,

“Unang araw pa lang po ako ni lagnat, sinipon, inubo at nahihilo, nag sabi na po ako sa amo ko na babae na baka Puwede i-skedyul nila ako ng swab test kasi kung sakaling may corona ako, hindi naman po ako makaka-kuha nito dahil di naman po ako lumalabas. Kasi wala naman po ako day-off kung di sa kanila lang po ito galing.”

Pag pumilit na magpa swab test

Sa kaniyang maiksing video, isiniwalat ni Bianca na ilang beses na niyang sinabihan ang kaniyang amo na babae na dalhin na siya sa hospital para magpa swab test ngunit parang patay malisya lang daw ito sa kaniyang hinaing.

'Hirap Na Ako Huminga At Nilalagnat Na. Wala Akong Day-Off At Ayaw Ako Dalhin Ng Amo Ko Magpa Swab Test.' Hinaing ng Isang OFW Sa Kuwait 3

Ani nito,

“Parang awa niyo na po, tulungan niyo ako. Kasi noong sinabihan ko ang amo ko na iiskedyul ako ng swab test, ang katwiran niya sakin, puno na daw po ang skedyul ng swab test. Kesyo ang edad ko daw po ay hindi naman ganun kadali kapitan ng virus.”

Bagamat hirap na itong huminga at masama ang paki ramdam, pilit pa din daw umano siyang pinag ta-trabaho ng kaniyang amo.

Ani nito,

“Kagabi, alam niyang masama ang paki ramdam ko at hindi talaga ako makatayo ng matagal. Ngunit pina-akyat niya po ako sa taas, pinag linis niya po ako ng kusina.”

Hingal na itong nag sa salita ngunit patuloy pa rin niyang sinasalaysay ang maling pag trato sa kaniya ng amo kahit na alam nitong masama na ang paki ramdam ni Bianca.

Sambit nito,

“Kaninang umaga, kinausap ko ulit siya na baka pwde i-skedyul ako ng swab test ngunit paulit ulit lang po sinasabi niya sakin. Puno daw po ang skedyul ng swab test, ang edad ko daw po hindi madali lapitan ng virus. Tulungan nyo na po ako, gustong gusto ko na po makauwi.

Panawagan at pangungulila

Naikwento din ni Bianca na siya ay may maliliit pang anak, at kung siya man ay malalagutan ng hininga dahil sa virus, kahit sa huling sandali ay sana’y masilayan man lang niya ang kaniyang mga anak.

'Hirap Na Ako Huminga At Nilalagnat Na. Wala Akong Day-Off At Ayaw Ako Dalhin Ng Amo Ko Magpa Swab Test.' Hinaing ng Isang OFW Sa Kuwait 4

Wika nito,

“Tulungan niyo po ako, kasi kung sakali man na may corona ako kahit sa huling pagkakataon makita ko man lang yung mga anak ko. May mga maliliit pa po akong anak. Parang awa niyo na, tulungan niyo po ako.”

Umaasa si Bianca na sana ay makauwi pa siya ng buhay sa Pilipinas at makita niyang muli ang kaniyang mga anak. Sa ngayon, ang tanging pinang hahawakan na lamang nito ay ang Pag-asa na sa kaniyang simpleng panawagan sa video ay makarting ito sa embahada ng Pilipinas at matulungan siya sa kaniyang kalagayan. Wala din siyang nasambit sa video kung saan siya nakatira o kung anong numero siya pwde tawagan.

To Philippine 🇵🇭 Embassy Kuwait Paki assist itong OFW na may sakit OFW :Bianca de Vera

To Philippine 🇵🇭 Embassy KuwaitPaki assist itong OFW na may sakit OFW :Bianca de Vera

Posted by OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW on Thursday, July 2, 2020

Source: OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: