Press "Enter" to skip to content

Hoard Pa More! Tiklo Ang Tatlong Hoarder Sa Gitna Ng Krisis!

Timbog ng grupo ng PNP – CIDG at ilan sa mga kinatawan ng DTI ang tatlong suspek sa pagtitinda ng overpriced alcohol, sa magkakahiwalay na entrapment operation na isinagawa kamakailan sa Caloocan City at Sta. Cruz, Manila.

Magkano Ang Overpriced

Unang nahuli sa akto sina Jeffrey Zapanta at Albert Mandap, sa Sangandaan, Caloocan City, ng dalawang lalaking ito na nagtitinda ng overpriced na alcohol. Na kung saan ang 500mL ethyl alcohol ay ibenebenta nila sa nagkakahalaga ng P140.00 sa halip na nasa P61.00 hanggang P74.25 lamang ang tamang presyo nito sa mga tindahan. 

Hoard Pa More! Tiklo Ang Tatlong Hoarder Sa Gitna Ng Krisis! 2

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. General Bernard Banac, umorder ng kahon-kahon ang isa niyang agent, at doon na nila inaresto ang mga suspek habang nagpapalitan ng bayad.

Wag Ganun Ate….

Kalaboso rin si Evangeline Salazar Endozo na taga Bambang, Sta. Cruz, Manila, – isang saleslady sa JKOS Medical Supplies and Equipment, nang ireklamo din ng kanyang mga consumers. Nahuli siya sa akto na ang kanyang ibinibentang alcohol ay overpriced din. Ito ay nagkakahalaga ng P80.00 ang 60mL ethyl alcohol.

Nakumpiska ang may humigit kumulang na 1,380 na botelya ng ethyl alcohol sa kanyang tindahan na may laki ng 500mL, 60mL, at 40mL na may market value na P231.00.

Nagkakahalaga ng P254,620 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na overpriced alcohol sa tatlong suspek na ito.

Hoard Pa More! Tiklo Ang Tatlong Hoarder Sa Gitna Ng Krisis! 3

Ani Banac, “sila ay haharap ng magkapatong patong na kaso ng  paglabag sa Republic Act 7581 (Price Act) Article 14 of the Revised Penal Code of the Philippines (Aggravating Circumstances); at“Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying”; sa ilalim ng Proclamation No. 922 ng Pangulong Duterte. 

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: