Press "Enter" to skip to content

Hospital Staff, Sinabuyan Ng Bleach Dahil Inakalang May COVID-19

Isang hospital staff sa St Louis Hospital New Isabela Tacurong City, Sultan Kudarat ang sinabuyan ng bleach matapos mapag-kamalang mayroong coronavirus disease o mas kilala ngayon bilang COVOID-19.

Viral photo

Isang viral photo ang kumakalat ngayon sa social media. Ito ay ang larawan ng isang lalaking hospital staff na sinabuyan ng bleach dahil sa pag-aakalang siya ay may COVID-19. Sa post na ito ni Earl Sunday N. Perez, makikita ang larawan ng isang lalaki na nagpapa-gamot ng kanyang mata matapos itong mapasukan ng bleach na isinaboy sakanya. Hindi pinangalanan ang lalaking ito, ngunit kaniyang kinumpirma na isa ito sa kanilang hospital staff sa St Louis Hospital New Isabela Tacurong City.

Ayon pa sakaniya pauwi na sana siya noon sa kanilang bahay ng tumawag ang isa sakanilang doktor upang ipaalam na mayroon silanhg kailangang gamutin.

Hospital Staff, Sinabuyan Ng Bleach Dahil Inakalang May COVID-19 2
Credits to Earl Sunday Perez

Hindi kami ang virus, hindi kami ang kalaban niyo

Sinabi naman ni Earl na hindi silang mga hospital staff ang kalaban ng mga tao, kundi ang virus. Sinabi din niya na hindi maka-tao ang ginawa sa kanilang hospital staff.

Kasalukuyan naman ng nagpapagaling ang lalaking ito matapos na mabilis na mabigyan ng lunas ng isa sakanilang mga doktor. Binigyan na ito ng eye drops antibiotic at nagpapahinga na upang makarecover.

Grabeeee na gid!!! Grabe na gid ka inhumane ang gina himo! Gin pa abot niyo gid sa point na pati ang isa ka staff namon…

Posted by Earl Sunday N. Perez on Friday, March 27, 2020

Dapat makasuhan

Hindi naman ikinatuwa ng mga netizen ang nangyaring ito. Ayon sakanila, dapat na makasuhan ang kung sino man ang may gawa nito sakanilang hospital staff. Sinabi din nila na sa halip na sinasaktan ang mga health workers, dapat ay kino-comfort nalang ang mga ito dahil marahil ay pagod na ang mga ito dahil sa pag-dami pa ng bilang ng mga nakukumpirmang positibo sa COVID-19.

Sa kabila naman ng nagyari sa lalaki. Hindi na niya sinampahan pa ng kaso ang nagsaboy sakanya ng bleach.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: