Press "Enter" to skip to content

Hotdog Ni Mayor Emeng Mabenta Sa Kanyang Pagdeliver Ng Ulam Sa Nasasakupan

Matatandaang kamakailan lang ay nag-viral si Mayor Emeng ng Nueva Ecija dahil sa pamimigay niya ng isang kaban ng bigas sa lahat ng nasasakupan niya. Ikinatuwa ito ng mga netizens dahil sa ibang lugar ay nirerepack ang goods. Ngayon naman ay isa nanamang kabutihang loob ng nasabing mayor ang nagpaviral sakanya.

Ulam Delivery

Isang video ni Mayor Emeng ang mapapanood ngayon sa Facebook kung saan umiikot ikot ito sa mga bahay bahay nagaabot ng ulam. Isa sa kasamahan niya ang may dalang karatula kung saan naka lagay ang:

Hotdog Ni Mayor Emeng Mabenta Sa Kanyang Pagdeliver Ng Ulam Sa Nasasakupan 2

Ano po gusto nyo ulam?

#Ham

#Hotdog

#Tocino

#Chicken Marinade

#Skinless Longganisa

Isa isa nitong pinupuntahan ang mga bahay bahay at nagtatanong siya anong ulam ang gusto. Siya naman nitong iaabot ang ulam na napili ng mayari ng bahay.

Panawagan

Ito ang kabutihang loob na handog ni Mayor kasama ng kanyang panawagan na wag na lumabas ng mga bahay bahay ang mga tao sa Gapan. Sabi niya, wag na daw lumabas ng bahay dahil ihahatid na nila ang mga ulam.

Hotdog Ni Mayor Emeng Mabenta Sa Kanyang Pagdeliver Ng Ulam Sa Nasasakupan 3

KItang kita naman sa mga nasasakupan niya ang saya pagsiya ay lumapit at nagtanong ng gusto nilang ulam.

Patas dapat

May isa siyang naabutan ng ulam, hotdog ang pinili. Imbes na maglakad na at ipagpatuloy ang pamimigay, sinigurado pa ni Mayor na wala siyang maiiwanan.

Hotdog Ni Mayor Emeng Mabenta Sa Kanyang Pagdeliver Ng Ulam Sa Nasasakupan 4

Tinanong niya kung ilan bahay ba ang mayroon dun sa gate na yun. Nang sinabing dalawang bahay sila, inabutan din niya ng hotdog ang isa pang may ari ng bahay.

Buong Gapan

Sa huling parte ng video, nilinaw ni Mayor Emeng na sa buong Gapan daw nagaganap ang pamimigay ng ulam na ito. Ito ang naisip nilang paraan upang hindi na lumabas ng bahay ang mga tao.

Hotdog Ni Mayor Emeng Mabenta Sa Kanyang Pagdeliver Ng Ulam Sa Nasasakupan 5

Imbes nga naman na magronda lang at magbantay, ay bakit hindi mamigay ng tulong habang nagroronda at nagbabantay kung may lumalabas ng bahay.

Saludo kami sayo, Mayor Emeng!

" The Act of kindness" Mayor Emerson Pascual of Gapan City ❤

Posted by Focus on Monday, April 27, 2020

Source: Focus

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: